Chapter 32: Si Lance

22.7K 313 11
                                    

Chapter 32: Si Lance.

***

Carla’s POV

Alam niyo yung nakakainis?

Alam niyo? Alam niyo?

Ang hindi mabigyan ng SPOTLIGHT SA KWENTONG ‘TO! Nakakahalata  na ako sa otor nitong MTC, Kelan ba ako huling nagka-POV? Siguro nung chapter 2. Nakakainis si otor. Wala akong Lablayp samantalang yung pinsan ko saka yung bestfreind ko ang saya na sa love life nila. Anong silbi ko?

Ang dakilang papansin sa storyang ‘to?

“Carla.”

Hindi niya man lang iniisip ang nararamdaman ng character niya! palit kaya kami ng pwesto?!

“Carla.”

Ako kaya yung maging otor ng kwentong ‘to? Ano kayang kalalabasan.

“CARLA!”

“Ay butiking otor!”

“Ano  bang pinagsasabi mo diyan ha? Yung mistletoe na pinapasabit ko sa’yo sa pinto ng bahay hindi mo pa ginagawa!”

Bulyaw sakin ng pinsan ko.

“Bakit ako pa kasi ang kailangang magsabit? Meron naman tayong mga maids at butlers sa bahay, sila nalang!”

Iritado kong sabi.

“Tadyak gusto mo? Carlita, umayos ka sa pinaggagagawa mo kung hindi isusumbong kita sa mommy mo. Dapat tayo ang magdecorate ng mga ‘to as a gift para sa birthday ni Jesus Christ.”

“Okayyy.” Sabi ko saka lumabas ng bahay.

Tiningnan ko yung pinto saka inisip kung paano ko masasabit yung mistletoe gayong hindi ko abot dahil hindi ako binyayaan ng mahahabang binti.

Alam ko na.

Hinila ko yung spongebob figurine sa may harap ng bahay saka pinatungan. Hindi naman siya babasagin, actually gawa siya sa kahoy. Yun  ang tinapakan ko para maabot yung  sabitan ng mistletoe.

Nung maisabit ko na, napaharap ako sa kalsada ng village kung saan kami nakatira. Suminghot muna ako ng  hangin.

Papasok na sana ako pero may nakita akong lalaking nag-ja-jogging sa tapat ng bahay namin. Napalunok ako ng laway.

OHEMGEE. Lenxi hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.

“I’m in love.”

(kornee ng POV niya, kaya ayaw ko siyang gawan ng POV eh.)

Lance’s POV

It’s been 2 years, I guess? Dalawang taon nung huli akong makapunta dito sa bahay ng parents ko, for the past years I live with the gang. Hindi ko alam kung anong magiging reaction nila sa pagbalik ko dito, especially my dad.

Bumuntong hininga ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng kotse ko. Tanaw ko na kasi yung malaking gate ng bahay namin. Walang pinagbago ang structures nito. Ganon at ganon parin.

Lumabas ako ng kotse ko ng kinakabahan, bakit? Malaki ang galit ni dad dahil sa ginawa ko noon. Iniwan ko sila for the sake of Dylan. Iniwan ko sila dahil sumunod ako kay Dylan.

Bakit nga ba? 2 years ago na-heartbroken ang bestfriend ko dahil sa babaeng ginamit lang siya dahil sa utos ng kuya ng babaeng yun. nasangkot sa illang illegal na kaso at nambabae pagkatapos umalis ng bansa at bumalik pagkaraan ng dalawang taon.

At ang sinisisi ng magulang ko dahil sa naging desisyon ko ay si Dylan. Nawalan ako ng contact sa kanila. At a very young age natuto akong lumaban sa kick boxing at iba pang deadliest match para magkapera and every time na napapalaban kami ni Dylan, worth it naman.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon