Chapter 13 : His past

25.8K 484 11
                                    

Chapter 13: His past.

Christine’s POV

“Senti girl?” napalingon ako sa likod ko nung may nagsalita.

“Lance!” first time in the history of my life akong natuwa na makita siya.

“Whoaa, whoa, what’s with that attitude?” sinipat niya ang noo ko saka kumunot narin ang noo niya. “May sakit ka ba?”

“Wala! Bakit mo naman naisip yun?”

“Kasi hindi ka nagtaray sakin.”

“Ahh, so gusto mo tinatarayan kita?” nakapamewang akong nagsalita sa harapan niya.

“Joke lang ito naman.” May dinukot siyang susi sa back pocket niya saka isang lighter. Kumuha rin siya ng isang stick ng sigarilyo saka nag-sindi. Nainis naman ako kaya kinuha ko ‘yon, tinapon at tinapakan.

“Hey! Sayang naman yun! Bakit mo pinatay?”

“Bawal manigarilyo, isa pa masama yan sa kalusugan.”

“Tsk! Fine, you remind me of someone.”

“Huh? Sino naman?”

“Some girl I met here in our school.” Tumango-tango nalang ako. Bago ko pa makalimutan ang pakay ko kinausap ko na si Lance.

“Alam mo ba kung saan nag-punta si Dylan?”

“Huh? Hindi ba kayo ang mag-kasama? Bakit sakin mo tinatanong?”

“Malay mo lang diba?”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Enebeyen! Kelangan ko ng humingi ng sorry sa kanya! Hindi pwede ‘tong ganito lang!

“Bakit nag-away ba kayo?” mausisang tanong ni Lance.

“H-hindi, a-ano lang...” hindi ko alam ang idadahilan!

“I see…nag-away nga kayo.”

“Oo na,kasalanan ko na!”

“Bakit ano bang sinabi mo at nagalit yun? Hindi naman si Dylan yung tipo ng lalakeng madaling magalit pwera nalang kung below the belt na yung mga sinasabi mo eh.”

Napabuntong hininga ako,

“Yun na nga eh, I hit him below the belt, and now he’s mad at me.” Malungkot kong sabi.

“Ano ba kasi yung sinabi mo sa kanya?”

“About something in his past? Something with Monique.”

Nanlaki naman ang mga mata ni Lance.

“P-paano mo nalaman?”

“Sinabi niya, kasi natanong ko kung virgin pa ba siya o hindi na…”

“Babaeng to oh, bakit kasi mga ganung bagay ang tinatanong mo sa kanya?” naniningkit naman ang mga mata niya saka tumingin sakin. “Sabihin mo nga, may crush ka ba kay Dylan?”

Mabilis naman akong umiling. “Uy wala ah! Wala! Curious lang ako kaya…”

Nag-smirk naman siya nung marinig niya ang sinabi ko.

“Denial much?”

“Oh, shut up! Kanina pa yang line na yan! Puro ‘much’ ‘much’ gagawin ko kayong muchacha diyan eh.”

“Whoooaa, peace yow Senti girl!” sabi niya habang itinapat sakin ang peace sign na daliri niya.

“May pangalan ako at hindi SENTI GIRL ang pangalan ko,” tinaasan ko nanaman siya ng kilay.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon