Chapter 21: Between those heartbeats

21.6K 383 14
                                    

Chapter 21: Between those heartbeats.

Luxielle’s POV

Dang! Ang tanga tanga ko talaga! Nakakainis!

“Don’t worry Miss Luxielle, ipaparating ko kay Lee ang huli mong mensahe.” Sabi ni Ryuji habang iika-ikang papalapit sakin. “Bukas na bukas rin, papatayin kita.”

I just gave him a smirk. We? Pero ang totoo kinakabahan na ako.

“Anong nangyari sa’yo at iika-ika ka ng maglakad Ryuji? 2 years ago matino ka pang maglakad ah?” pang-aasar na sabi ko sa kanya.

Sumimangot naman siya saka hinampas ang mukha ko ng tungkod niya. maya-maya, nalasahan ko ang dugo ko sa labi.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Aaw, yun nalang ba ang kaya mo? Tch. Wala ka ng kwenta matapang ka pa.” sabi ko ulit sa kanya.

Pasalamat ka’t nakatali ako sa upuang ‘to kundi babaliin ko na ng tuluyan yang binti mo.

Hahampasin niya sana ulit ako pero nag-salita ako na ikinatigil niya.

“Is it because of Collin? *smirk*”

“How did you know?” tanong niya.

“Ano bang akala mo sakin? Walang alam sa dirty business ninyo?sa pagkaka-alam ko, ininis mo si Collin kaya hinamon ka niya sa isang kick boxing competition at natalo ka, swerte mo nga at binuhay ka pa niya.” nag-smirk ulit ako.

Matapos niya akong mahuli kanina, kinuha niya si Christine at itinali ulit. Ako naman hiniwalay niya. dinala niya ako rito sa barracks niya kasama ang limang bantay niya na may hawak na baseball bat.

“Am I right? Ryuji Takemura?”

May pumasok na lalake sa barracks niya.

“Sir, dumating na po ang IntEXOcated.”

“Akala ko ba bukas pa ang dating nila? Mukhang may balak pa silang isabutahe ako ah.” Sabi ni Ryuji.

“Bakit ikaw? Diba bukas din ang punta mo rito? Bakit nandito ka na ngayon? Pareho lang kayong hindi marunong tumupad sa usapan. Takemura.”

“YOU.SHUT UP.” Dinuro-duro niya ako ng tungkod niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. “The truth hurts, DOESN’T IT?” hindi ma-ipinta ang mukha niya sa inis niya sakin.

“Boys, wag niyo ng buhayin ang madaldal na yan, maaga niyo siyang dalhin sa impyerno.” Sabi niya habang nakatalikod na umalis sa barracks.

Sa totoo lang kanina pa ako naiinis sa kanya. Mauuna ka sa impyerno Takemura. Makikita mo.

Lumapit silang lima sakin. Mabilis ko namang natanggal ang tali sa kamay ko.

Hahampasin na sana ako ng isa ng baseball bat pero agad kong naiwasan.

Itinaas ko ang kamay ko sa ere. “Sandali!” pigil ko sa kanilang lima. Tumigil naman sila. “Hindi naman yata patas yan, Lima laban sa isa, tapos naka-gapos pa. tanggalin niyo ang tali ko at hahayaan ko kayong labanan ako.” Sabi ko sa kanila ng nakangiti.

“Ano kami gago? Bakit naman namin gagawin yun?”

Okay sinabihan ko sila ng maayos inubos nila ang pasensiya ko. Yari ‘tong mga ‘to sakin.

Sinira ko ang upuan para makalas ang pagkakatali ng paa ko. Natanggal na lahat ng tali ko sa katawan saka binunot ang pistol kong may silencer saka itinutok sa kanila. Napahinto silang lima ng makita ang baril na hawak ko.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon