Chapter 16: A Date

24.7K 405 11
                                    

Chapter 16 : A Date.

Lance’s POV

Nandito kami sa gym ng school. Nag-pa-practice kasi kami ng sayaw para sa gaganaping mini concert sa school fest sa Friday. Opo, sa Friday na po yun. Habang nasa break kami nakita ko si baekla na nag-e-empake ng mga gamit niya. out of curiosity nilapitan ko siya.

“Baek! Di pa tapos ang practice ah, saan ka pupunta?” tanong ko habang hawak-hawak ang energy drink na binili ko.

Ngumiti lang siya sakin saka ipinagpatuloy ang pag-e-empake.

“Importante ba yan?” tanong ko ulit.

“Oo.” Walang tingin tinging sagot niya sakin.

“Ano bang gagawin mo?” tanong ko ulit.

“May date kasi ako.” Nakangiti niyang sagot habang nag-e-empake.

“Aaaahhh, Dun ba sa kaibigan ni Christine? Yung Luna ba yun?”

“Lenxi. Lenxi ang pangalan niya.”

“Ah, sabi ko nga, Sige tol ingat.”

“Sige.” Lumabas siya sa gym ng school. Hay buti pa si Baek luma-love life eh ako? Tsk. Single parin. Mukhang hindi nalang si yeol ang magiging in a relationship dito ah. Tsk. Tsk. Kupido bakit hindi mo pa kasi panain ang babaeng dapat! WEEEEH.. Leche ang korni ko na.

Sa gwapo kong ‘to wala paring nagkaka-mali? Samantalang si Dylan, nagkakandarapa ang mga babae sa kanya. Ang unfair leche.   (=_=)

Lenxi’s POV

Jongina! Ano bang susuotin ko? Mag-bistida kaya ako? Eh hindi ako sanay kaninis. Eh kung mag t-shirt at mag jeans nalang ako? Eh kaya lang ang baduy naman tingnan. Hayyyy!

Siguro dalawang oras na akong nakatitig sa mga damit kong naka-latag sa kama. Kanina pa ako nag-iisip ng susuotin ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat! Ngayon lang ako nahihirapan mamili ng susuotin! Aish! Ganito ba talaga kapag nakikipag date? Nahihirapang mamili ng masusuot? Arrgh!

“Insan? May problema ba? Hindi ka pa nag-be-breakfast ah.” Katok ni Carla sa pintuan ng kwarto ko.

“Okay lang! sa labas na ako kakain.” Tapos tumingin ulit ako sa mga damit ko.

“Ano ba kasing ginagawa mo? Papasok ah?”

Pinihit niya ang seradura ng pintuan ko at pumasok sa kwarto ko.

“Bakit ang daming nakaka-kalat na damit? Waaaah! Maglalayas ka na ba Lenxi? Iiwan mo na ba ako? Ayoko! Ayoko wag mo akong iwan!”

*PAAAK!*

Binatukan ko si Carla. Ang O.A nanamang mag-react eh.

“Aray ko! Amp! Napaka-sadista mo talaga insan! I HEYT YOU!”

“Sige mag-over react ka nanaman babatukan kita diyan ulit.”

“Saan ka ba kasi pupunta at ang daming damit na naka-kalat sa kama mo?”

“Basta.”

“Sabihin mo na.”

“Tsk! Wag ka nga makulit! Nag-iisip ako!”

“Bakit nga kasi! Saan ka ba pupunta?”

“May date ako!”

“…”

Natahimik siya kaya tiningnan ko ang reaksiyon niya.  (>__>)

Napaka-lapad ng ngiti niya. Alam ko na iniisip nito.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon