Chapter 35: Forgive her?

17.6K 280 10
                                    

Chapter 35: Forgive her?

Christine’s POV

Sa tono naman ng pananalita ni Lance kanina parang magus-suicide na, bigla tuloy akong kinabahan.

“Calm yourself Christine. Bakit parang kinakabahan ka?”

“E-Eh kasi…si Lance…”

Nag-smirk lang si Dylan habang nakatoon ang mga mata niya sa kalsada.

“Na-te-tense na nga ako nakukuha mo pang mag-smirk diyan?”

“Ano ba kasing problema at masyado kang nag-aalala kay Lance?”

“Para kasing mag-su-suicide siya eh, tingin ko lang yun.”

Halatang nagtaka si Dylan sa pinagsasabi ko. Conclusions palang naman yun, hindi pa naman so so so sure.

“Conclusions pa lang naman, maaga pa naman diba? Bilisan natin!”

“Okay fine.”

Mag-a-around 5:30 na kami nakarating sa condo ng IntEXOcated. Pumasok ako agad sa condo pagdating namin sa top floor.

Pagpasok namin sobrang tahimik, wala yung grupo.

“Nasan sila? Bakit parang walang tao?”

Nag-shrug lang siya ng shoulders niya saka umupo sa black leather couch nila. Kumuha siya ng magazine saka nag-basa.

Umupo ako sa tabi ni Dylan ng tahimik. Inakbayan naman niya ako pero patuloy parin siyang nagababasa.

“Tol, Christine, anong ginagawa niyo dito?”

Pareho kaming napalingon sa boses na galing sa banyo. Agad akong napatakip ng mga mata ko dahil gulat.

“L-Lance ano ba! Magsuot ka nga ng damit!”

Sigaw ko sa kanya saka sumisik sa tagiliran ni Dylan. Parehas naman silang natawa pagsabi ko nun.

Tae, wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah?! Ilang lang naman talaga akong makakita ng topless na lalaki sa harapan ko bukod kay Dylan siyempre. Lagi ko siyang nakikitang ganun kaya sanay na ako.

“Magbihis ka muna Lance, bago mo kami kausapin.”

Sabi naman ni Dylan kay Lance. Narinig kong bumukas at sumara na yung pintuan kaya nakahinga ako ng maluwag.

“Ang OA mo na ah.”

Walang tinging tinging sabi sakin ni Dylan. Hinampas ko siya ng malakas sa braso dahil sa sinabi niya.

“So anong gusto mo? Titigan ko parati yung abs ni Lance? Sige ka, baka sa kanya ako mainlove.”

Nag-smirk ako sa kanya saka tumayo. Hinila naman niya yung braso ko.

“Joke lang.” He said while smiling.

Napa-upo ulit ako. Inakbayan niya ako pagkatapos inilapit niya ako sa katawan niya. Nung napatingin ako sa kanya, nakatitig siya sakin. Biglang bumaba ang mga tingin niya sa labi ko.

Tsss. Panigurado, gusto niya ng kiss.

Ngumiti ako sa kanya.

“Hindi ka ba nagsasawa kakahalik sakin?” Tanong ko.

Umiling naman siya.

“Bakit gusto mo bang magsawa ako? Gusto mo mag-try ako sa iba?”

I shook my head after he said that.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon