Chapter 57: Reconcile.

13.9K 247 17
                                    

Chapter 57: Reconcile

Christine's POV

Nagising ako sa sala ng unit ng gang nila Dylan. Nang maalala ko ang nangyari kanina, agad akong tumayo. Hinanap ng mga mata ko si Dylan sa buong sala pero hindi ko siya nakita. Kinuha ko ang cellphone ko at chineck ang oras. Seven o'clock na ng gabi at hindi ko man lang namalayan iyon.

Lumingon ako ng mapansin kong may paparating. Nakita ko si Dylan na nagpupunas ng blonde niyang buhok. Halatang kagagaling lang nito sa shower dahil sa basa pa ang buhok nito at nakatapis lang ng tuwalya ang kalahati ng katawan niya.

Nang magkatama ang mga mata namin, wala akong makita. It was a very serious glare na naging dahilan para kilabutan ako. Balak ko sanang magtanong pero parang umurong ang dila ko at hindi na nakapagsalita.

"Magtititigan na lang ba tayo dito buong mag-damag?" Tanong nito sakin.

Nakaramdam ako ng kaba at hiya dahil sa tanong niya. Hindi pa rin ako umimik dahil hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Narinig ko ang pagpapakawala niya ng isang malalim na bunting hininga saka siya umupo sa tabi ko.

"You know, our situation is a complicated one. Alam kong ayaw ako ng Lola mo para sa'yo. Alam ba niyang pumunta ka rito?" sabi niya pero hindi niya ako tinitingnan.

Nakakunot ang mga noo niya habang nagsasalita kaya mas lalo akong kinakabahan. Ni hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya sa mga oras na ito.

"G-Galit ka pa ba sakin?" maamong tanong ko rito.

Hindi niya ako nilingon. Sinubukan kong harapin siya pero mas lalo lang niyang iniwas ang mga tingin niya sakin.

"Alam ko namang nagalit ka sakin dahil sa ginawa ko. You even threw my Christmas gift for you and also...the pair of rings. I-I'm sorry okay?"

Siya naman ang hindi nagsasalita pagkatapos ng lahat ng sinabi ko. Tumayo siya sa kinauupuan niya saka tumingin sakin.

"Stay here. WAG kang aalis, magbibihis lang ako."

Tumango na lang ako at sinunod ang gusto niya. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papasok siya sa kwarto niya. Pagbagsak ng pinto, nagpakawala ako ng isang malalim na bunong hininga. Nailagay ko ang mga palad ko sa mukha ko dahil sa sobrang kaba.

Maya-maya pa, nakaramdam ako na parang may gumagalaw sa paanan ko. Nang silipin ko iyon, laking tuwa ko ng makita ko si Chrislan. Agad ko siyang dinampot at niyakap.

"Waaaaah! Chrislan, ang cute cute mo pa rin kahit na tumaba ka na!" masayang sambit ko habang niyayakap ito.

Mabango pa rin siya at malambot parin ang brown niyang balahibo.

"Arf! Arf! Arf!" kahol nito saka sinimulang dilaan ang kanang pisngi ko.

Napansin ko ang paglaki ng katawan niya. Ang tagal ko rin kasi siyang hindi nakita kaya akala ko maliit pa rin siya. Mas lalo na siyang lumaki ngayon at mas lalo ng lumago ang mga balahibo niya. Medyo may kabigatan na nga siya ngayon hindi gaya ng dati.

Napasin ko ang biglaang pag-ulan kaya napunta ang atensiyon ko sa malaking bintana ng unit na 'to.

Ayoko talaga kapag umuulan, puro malulungkot na ala-ala ang bumabalik sa utak ko, lalo na nung araw ng 19th birthday ko.

Masyado akong nadala sa rythm ng pagpatak ng ulan kaya hindi ko napansin ang pag-labas ni Dylan mula sa kwarto niya. Lumingon na lang ako ng tawagin niya ako.

"Mag-uusap ba tayo oh ano?"

Hindi pa rin nawawala sa mukha nito ang nakasimangot na ekspresiyon nito. I know he's still mad at me sa kabila ng mga nangyari kagabi. Kung titingnan ko siya ngayon parang hindi siya ang Dylan na nakita ko kagabi. Masyado siyang seryoso.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon