Chapter 9: intEXOcated

25.7K 448 4
                                    

Chapter 9: intEXOcated

Christy's POV

saan ba niya ako daldahin? hindi ba niya alam na may klase pa ako? First time ko kayang mag-cutting sa school. napaka-loyal kong estudyante sa school namin! Arrrgh! kainis talaga 'tong Dylan na 'to!

"Saan tayo pupunta?" naka-cross arms kong sabi na may serious tone. 

siya naman diretso lang ang tingin habang nag-mamaneho.

"Basta."

"Anong basta? hindi mo ba alam na may klase pa ako?"

"I know."

"Eh kung mag-gagala ka lang bakit mo pa 'ko sinama?! Isa pa may kasalanan ka pa sakin!" medyo galit at pasigaw kong sabi sa kanya.

"Anong kasalan ko sa'yo? I don't remember things I did para magkaroon ako ng kasalanan sa'yo."

"Anong wala?! hinalikan mo ako ng walang permiso ko? ANONG WALA?!"

"Does it even matter? Gusto mo rin naman yung ginawa ko so don't act like a brat parang pinapalabas mo na may ninakaw akong napaka-precious sa'yo."

Natahimik ako sa sinabi niya. hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Oo naiinis ako sa sinabi niyang 'nagustuhan ko' pero kahit gusto ng utak kong mag-complain may naman saking gawin yon.

"Oo meron,” pataray kong sabi.

Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko at nagpatuloy sa pag-da-drive

Naisip ko lang, normal na lang ba talaga sa kanya na makipag-PDA sa iba't ibang babae oras-oras? I mean sa katulad niyang lalake, lalo na  kapag maganda ang nakikipag-PDA sa kanya hindi niya mapipigilan ang urges niya as a man.

Virgin pa kaya 'to?

Sandali akong napa-isip. Ano bang iniisip mo Christine! Tsk! nahahawa na yata ako sa mga perverted thoughts ni Lenxi eh! Tumingin ako sa kanya. seryoso lang siyang nakatingin sa harap habang nag-mamaneho.

"Virgin ka pa ba?" bigla kong tanong.

Halata sa mukha niya ang gulat dahil sa tanong ‘ko kaya naihinto niya ang kotse ng biglaan, mabuti na lang at wala kaming kasunod na sasakyan. Hindi ako naka-seat belt nun kaya medyo nauntog ako nung bigla siya pumreno.

Ouch…ang sakit. Hinawakan ‘ko ang noo ‘kong nauntog dahil sa nangyari.

"Why the f*ck are you asking?" 

"Ano bang problema mo? masama na bang magtanong? Tapos kung makapag-cuss ka naman akala mo walang bukas! Leshe!"

"Even if it means that we are going to be married, I don’t have to explain everytjing to you,"  nakasimangot niyang sabi sa’kin. “Oh, and stop cussing.”

“It’s not a cuss!” depensa ‘ko.

"Yes it is,” swabeng sabi niya saka nag-patuloy na uling mag-maneho.

"No it's not!"

"Yes it is."

"NO IT'S NOT!"

"YES IT IS!"

"NO! I'TS FREAKIN NOT!!!" inis at pasigaw na sabi ko. Noon ‘ko napag-tanto na nag-mura ako kaya mabilis ‘kong tinakpan ang bibig ‘ko. Nakita kong may korteng pumorma sa mga labi niya. The next thing I saw was, he is smiling.

“See? kaya mo ring mag-mura, in denial ka lang." 

Pagkatapos ng napaka-walang kwentang pag-uusap namin, nagkaroon ng katahimikan. Wala na rin naman akong magandang maitatanong p sa kanya.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon