Chapter 58: Happy.
Dylan's POV
I went to my parent’s house to tell them about my current relationship with Christine. I'm sure they will be happy about it.
I parked my car and noticed another car beside mine. Hindi ko naman matandaan na bumili ng bagong kotse ang daddy ko.
Pinagpatuoy ko nalang ang pagpasok sa bahay namin. Pagkapasok ko, sila kaagad ang hinanap ng mata ko. Kinausap ko pa ang isa sa mga maids namin kung nasaan ang parents ko.
"Sir, nasa sala po ang Mommy niyo at may bisita, ang Daddy niyo naman po eh kaalis lang. May trabaho po yata."
Tumango nalang ako saka mabilis na tinungo ang sala. Agad kong binuksan ang malaking pintuan nito saka tinawag si Mommy.
"Ma!" I shouted.
Agad ko namang nakita si Mommy na nakaupo sa isa sa mga sofa doon at nakangiting tumingin sakin. Mukhang masaya ang pag-uusap ni Mommy at ng bisita niya.
"Oh! Dylan, bakit hindi ka nagpasabing uuwi ka?"
"I came here to tell you something," sabi ko.
Tumayo si Mommy sa kinauupuan nito saka tinungo ang posisyon ko. Kung hindi ako nagkakamali, isang lalaki ang bisita ni Mommy at sa kanya ang sasakayan na nasa labas.
"Mamaya na tayo mag-usap anak," sabi nito na para bang itinataboy ako palabas ng sala.
Sinisilip ko kung sino ang bisita niya pero pilit niyang inihaharang ang sarili niya kaya hindi ko makita ang bisita niya.
"Hoy! Ikaw na bisita ni Mommy, humarap ka ngayon din!" utos ko.
"Dylan, ano ba! Hindi tama yang inaasal mo ah!"
Hindi ko lang pinansin ang sermon ni Mommy at nakatingin pa rin sa estrangherong iyon. Tumayo naman siya saka pinagpagan ang damit niya. Inayos pa niya ang suot-suot niyang jacket bago siya humarap.
Nagulat ako ng Makita ko ang pagmumukha niya.
"What the f*ck are you doing here?" galit na sabi ko kay Lee nang humarap ito sakin.
"Dylan! Ayusin mo yang pananalita mo, he's six years older than you!"
Hinampas pa ako sa braso ni Mommy dahil sa pagmumura ko.
"I don't care! That b*tch ruined my relationship with Christine!" sigaw ko.
Napakuyom ako ng kamao dahil sa inis. Bakit siya nandito sa pamamahay ng mga magulang ko? kahit na kapatid ko pa siya oh kung ka-ano-ano ko man yang gagong nasa harapan ko, hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niya at ng kapatid niya kay Christine!
"It's okay mom, I'll handle this," pa-cool na sabi nito na mas lalo kong ikinagalit.
"Ngayon, tinatawag mo nang Mom ang Mommy ko, eh nung nakaraan halos murahin mo na siya sa sobrang galit!"
"Dylan, tama na, ano ba! Huwag kayong mag-away dito!"
"Wag dito? Sige, tara sa labas. Pagbibigyan ko 'tong hayop na 'to."
"Nandito ako para bisitahin ang nanay natin, hindi para makipagsuntukan sa'yo." seryosong sabi nito.
"Kelan ka pa bumait at natutong gumalang ha? May nakain ka bang nakakalason at naging ganyan ka? Or maybe this is one of your plans againts us!"
"Believe me, I'm not here to ruin your life. I already learned my lesson."
"Anak, pakinggan mo muna ang sasabihin ko. Please, wag mong unahin ang init ng ulo mo."
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...