Chapter 45: His Death (part 2)
Luxielle’s POV
We’re damn late. Kasalukuyan naming hinahabol ang sinasakyan ni Monique. Alam ko rin na kanina pa may sumusunod samin at sigurado akong mga utusan yon ni Lee.
Nilagyan ko ng bala ang magazine ng dala kong baril saka kinasa. Sa likod ako naka-upo katabi si Lance kaya nagtaka siya sa ginawa ko.
“Hoy, bakit may dala kang baril?” Mabilis niyang tanong.
“May sumusunod satin, hindi mo ba nakikita?” Sagot ko
Napatingin naman siya sa likod nang sabihin ko yon.
“Hanggang saan ba niya balak dalhin si Christine?” Tanong ni Jean.
Kasama rin namin siya ngayon at naka-upo siya sa tabi ng driver’s seat. Nakasalubong namin siya kanina sa park at may hinala rin siya sa gagawin ni Monique kay Christine.
Tahimik lang na nagmamaneho si Dylan. Nakatuon lang ang mga mata niya sa kotse na sinusundan namin. Walang imik at galit ang expresyon.
Sa gitna ng katahimikan namin biglang nag-ring ang cellphone ni Dylan. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at sinagot na kaagad ang tawag.
“Are you okay?! Christine, please say that you’re okay.”
Natuon lahat ng atensiyon namin sa tawag. Sana ayos lang si Christine.
“I know, right now, we’re following Monique’s car. Ang kailangan la----Hello?! Hello! Ah F*ck!”
Nakita namin na may kung anong bagay na lumipad palabas ng kotse ni Monique at nabasag sa kalsada. Malamang sa malamang ang phone ni Christine yon.
Binuksan ko ang side window sa backseat saka itinutok ang dala kong baril. Dapat ng mahinto ang sasakyang yon no matter what dahil baka may mangyari pang masama kay Christine.
Pipindutin ko na sana ang gatilyo ng makita ko mula sa side mirror ng kotse ang isang lalaking may nakatutok na baril sakin. Mabilis akong pumasok sa loob at naka-iwas bago pa ako tamaan ng bala.
“Yumuko kayo!” sigaw ko sa kanila.
Binaril nila ang likuran ng kotse pero mukhang hindi nila natamaan ang mga gulong.
G*go ba si Lee? Akala ko ba kailanga niya si Christine?!
“Shet! Yung kotse ko! Hindi ko pa tapos bayaran ‘to!” Sigaw ni Lance.
“Yung kotse mo pa inaalala mo?!!” Sigaw ko.
Lumabas ulit ako sa side window saka binaril ang gulong ng isa sa mga kotse na sumusunod samin,
Sumablay ako. Leche! Limited lang nag dala kong bala. Wag kayong epal ngayon!
Christine’s POV
Hindi ako makagalaw. Nakatutok sakin ang baril na hawak ni Monique. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ano bang dapat kong gawin?
“Monique, nagkakamali ka talaga ng pagkakaintindi sa nangyari, maniwala ka, kung ano mang meron kami ni Jean noon, wala na yon ngayon kaya please, itigil mo na ‘to.” Kinakabahang sabi ko sa kanya.
“Sinabi ko bang magsalita ka? Wala akong pake. Basta dapat mamatay ka na. Ewan ko ba kay kung bakit pinapatagal pa niya ang buhay mo eh wala ka namang kwenta!”
Kuya? Sinong kuya? Hindi ko naman kilala kung sinong kuya niya kaya bakit gusto rin akong patayin ng kuya niya?
“Gusto ko lang malaman ang totoo.”
“Truth? What truth?!”
“Yung totoong dahilan kung bakit ako iniwan ni Jean! Kaya ako nakipagkita sa kanya dahil gusto kong malaman ang totoo!”
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...