Chapter 56: Into his eyes

14.9K 276 16
                                    

Chaper 56: Into his eyes.

Lance's POV

Hay! kelan ba magiging maayos ang takbo ng storyang ito? nakakainis! Akala ko magiginghappy ending na ang kwentong ito kapag naka-alis na kami sa dati naming gawain sa underground bistro pero hindi pa pala. Bumalik nanaman ang dating Dylan pero mas malala lang ngayon. Umiinom nanaman siya ng todo todo saka niya paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Christine. Hinala ko nga, nahuli siya sa akto ni Christine habang may ginagawang kababalaghan. 

Hay!

[Lance, nakikinig ka ba sinasabi ko?] sabi ni Luxielle sa kabilang linya.

"H-Ha? Ano 'yon? pasensiya na, may iniisip lang ako. Sorry, Luxielle,"

[Hindi mo pa ba i-uuwi si Dylan? Baka kasi masobrahan yan ng inom at mag-hanap ng away.]

"Oo, Oo, i-uuwi ko na siya, matulog ka na. Ikumusta mo nalang pala ako kay Nathan ha?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Ngumiti na lang ako saka ibinaling kay Dylan ang mga tingin ko. Nasa isang bar kami ngayon dahil inaya niya akong uminom. Buti nalang at hindi ako masyadong uminom ng marami kundi, hindi kami makaka-uwi ng matino.

[Sige, mag-ingat ka ha? Baka mamaya uminom ka ulit tapos mag-da-drive ka, pag na-aksidente ka, break na tayo.]

"Opo, opo. Uuwi na po kami. Bye. I love you."

[I love you too]

Ibinaba na niya ang telepono pagkatapos n'on. Inasikaso ko na agad si Dylan na ngayon ay bagsak na dahil sa sobrang kalasingan.

"Iba ka talaga ma-inlove. Halika na nga, umuwi na tayo."

Agad ko siyang inalalayan para makatayo. Lumabas kami ng bar at talagang hirap na hirap akong buhatin siya dahil may kabigatan ang katawan niya.

"C-Christine..." 

"Bro, wala dito si Christine."

"Take m-me to her, I w-want to see her right now."

Halos bumagsak na siya sa sahig dahil sa sobrang kalasingan. Nang makarating kami sa parking lot bigla na siyang sumuka. 

"Ayos ka lang? Hindi ka na kasi dapat uminom ng marami eh," sabi ko.

Inalalayan ko siya at hinahagod ang likuran niya. 

"Christine...I'm f*cking sorry," sabi nito habang umiiyak.

Ayokong makita siyang nahihirapan ng ganito. Kailangan na ba naming maki-alam at gumawa ng paraan?

Christine's POV

Nakatayo ako sa labas ng kwarto ni Lola. kasalukuyan kasi siyang tinitingnan ng doctor niya. na-gui-guilty ako dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya inatake sa puso. Kahit pa galit ako dahil sa mga baluktot niyang desisyon, Lola ko pa rin siya.

Pabalik-balik sa paglalakad si Mommy dahil kinakabahan siya sa kondisyon ni Lola pero kahit na ako ang dahilan ni hindi niya ako sinisi. Pare-pareho kaming naputa ang atensiyon sa paglabas ng doktor sa kwarto ni Lola. Inayos niya ang mga gamit niya pagkatapos ay hinarap kami ng maayos.

"Kumusta po ang Mama?" Tanong ni Mommy na alalang-alala.

"Sa ngayon okay na siya, iwasan na lang natin sa susunod na ma-stress siya baka sa susunod na maulit ang pangyayaring ito, ikamatay pa niya. magbibigay ako ng ilang gamot para naman mas gumaan-gaan ang pakiramdam niya."

Sumunod namang lumabas si Kent sa kwarto ni Lola at agad na tiningnan ang direksiyon ko.

"Gising na si Mama, gusto ka niyang maka-usap Christine."

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon