Chapter 59: A Celebration.

16.6K 288 8
                                    

Chapter 59: A Celebration.

Christine's POV

"Nasaan tayo Dylan?" tanong ko ng makababa sa sasakyan niya.

Pinagmasadan ko lang sa labas nito ang isang malaking building na hindi ko alam kung ano ang nasa loob. Halos isang oras at kalahati din ang itinagal ng biyehe naming hpagakatapos eh hindi naman niya sinasagot ang mga  tanong.

Ang akala ko ba eh mag-di-dinner date kami?

“We’re attending a party and you are my date,” sabi nito saka ngumiti.

Inilagay niya ang braso ko sa braso niya saka kami pumasok ng sabay sa Malaki at engrandeng pintuan nito. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay hinarang na kami ng mga guards. May inilabas namang envelope si Dylan at nang makita nila iyon ay agad na kaming pinapasok.

“Anong klaseng party ba ang pupuntahan natin? Baka mamaya, hindi pala fit ang suot ko,” nakasimangot kong sabi sa kanya.

“Don’t worry, your dress fits perfectly in this party. Simple yet elegant looking outfit.”

Pagkapasok naming ay wala pa kami sa mismong venue ng party. Lalakarin pa namin ang mahabang pasilyo para makarating sa pinaka lugar ng mismong party. Nang makarating kami sa dulo, inabutan kami ng isang pares ng Half mask. Kulay black rin ito, may mga nakalagay na makukulay na balahibo at kumikintab iyon dahil sa mga glitters na nakadikit dito.

“Ano ito? Masquerade party?” tanong ko.

“Yup, hindi ka dapat mawala sa paningin ko ha? Maraming bisita ang naka-maskara, baka malito ka,” sabi niya.

Sabay kaming pumasok sa loob nito. Namangha ako ng makita ko ang mismong venue ng party. Kahit pa medyo madilim ang paligid dahil dim lights lang ang gamit, kitang-kita parin ang kagandahan ng mga disenyo sa loob. Lahat ng bisita ay naka-maskara. Simple lang din ang pananamit nila kagaya ng sakin pero hindi maitatangging maganda parin ito tingnan. Kada lilingon ako, kaliwa’t kanan ay manghang-mangha ako sa setting ng party. May napakalaking chandelier sa kisame nito. May isang napakalaking cake ang nasa gitna malapit sa stage. Sa stage naman mismo ay may dalawang upuan. Parang upuan ng Hari’t Reyna ang disenyo no’n.

“Ang ganda rito, sino ba ang may birthday? Wedding reception ba ‘to? Ang ganda kasi ng theme.”

Hindi niya lang ako sinagot saka marahang hinila paakyat ng stage.

“T-Teka, bakit tayo umaakyat dito? Baka mamaya sitahin tayo Dylan!”

“Sisitahin ba nila ang mismong Birthday girl?” nakangiti nitong sagot sakin.

Nagulat ako sa sinabi niya at hindi na naka-react.

Nang mai-upo niya ako sa isa sa mga upuan, nagliwanag ang buong paligid. Kung kanina ay medyo dim ang liwanag sa buong kwarto, ngayon ay mas nakita ko na ng maayos  ang mga bisita. Binuksan na rin nila ang chandelier na kanina ay nakapatay pa.

Hinawakan ko ang kamay ni Dylan para pigilan ang pag-alis niya sa tabi ko. Kinakabahan kasi ako, lahat ng tao nakatingin samin pagkatapos ay nasa stage pa kami mismo.

Marahan niyang inalis ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya at humarap sa mga bisita na nasa ibaba nito.

“Today, we are celebrating the 19th birthday of my beloved girlfriend. Wala siyang ka-alam-alam sa pakulong ito. Tapos na talaga ang mismong araw ng birthday niya pero ayokong palamapasin ang okasyong iyon. I want her to have a memorable birthday with me. Ayoko kasing maalala niya ang mga masasakit na salitang binitiwan ko sa kanya noong mismong araw ng birthday niya dahil lang na-misunderstand naming ang mga bagay-bagay,”

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon