Chapter 54: Pregnant?

16.3K 250 19
                                    

Chapter 54: Pregnant?

Lenxi’s POV

Christine is unconscious at leche! Hindi ko man lang alam kung anong nangyari sa kanya! Kabadong-kabado ako habang dala dala siya ni Baekhyun papuntang clinic.

Hindi kaya dahil ito sa sampal ko sa kanya kanina? Ah! Lenxi, ang tanga moo! Hindi mo na siya dapat pinagbuhatan ng kamay.

“Jagiya, bibili lang ako ng inumin sa labas ha? Babalik din ako.”

Tumango nalang ako sa sinabi niya. Nang makalabas siya, pinagmasdan ko si Christine. Kawawa naman siya. She’s having a really hard time. Dumating pa kasi yung peste niyang Lola na gumulo ng lahat. naku! Kung ako ang naging apo n’on? Sinagot-sagot ko na iyon. Isa pa, dahil sa nangyayari sa kanila ni Dylan, nangangayayat na siya. Namamaga na din ang mga mata niya kaka-iyak. Sana…may magawa ako para naman mabawasan ang hirap na nararamdaman niya.

Lumabas ang nurse ng clinic ng school. May mga files siyang tiningnan at huminto siya ng makita si Christine.

“Kaibigan ka ba niya?” Tanong nito.

Tumango na lang ako.

“Okay, may itatanong lang ako sa’yo kaya kung pwede sagutin mo ng maayos.”

Ano naman ang akala ng nurse na ‘to? Pa-balbal ako sumagot? Hampas ko ‘tong upuan sa kanya eh.

“Nakararanas ba ng matinding stress ang kaibigan mo nitong mga nakaraang araw?”

“Opo, may problema po kasi siya lately.”

Tumango-tango naman siya.

“I hardly advice na iwasan sana niya ang ma-i-stress ng sobra. Maselan ang kondisyon ng kaibigan mo.”

Naguluhan ako sa sinabi niya. Whut? Anong maselan ang pinagsasabi nito?

“P-Po?”

“Iwasan na rin niya ang masyadong pagpapagod then advise her to eat lots of leafy vegetables. Makakatulong iyon para mas bumuti ang lagay niya at ng-“

“Wait a sec. Ano po bang gusto niyong iparating? Sa tono kasi ng pananalita niyo parang sinasabi niyong buntis ang kaibigan ko.”

“Yes, you’re right. She’s 4 weeks pregnant.”

Natulala ako sa sinabi ng nurse ng clinic. Ni hindi ko na nga namalayan na pumasok na pala si Baekhyun.

“Oh, siya ba ang ama?”

Turo ng nurse sa papasok palang na si Baek.

“Huh? Anong ama?” tanong ni Baekhyun.

“Hindi po!” Pagtanggi ko.

Hinawakan ko kaagad ang mga braso niya.

“Wait, what did she mean na ako ang ama? Lenxi buntis ka? P-Pero we didn’t do that-“

“Hindi ako Baek, si Christine. She’s 4 weeks pregnant,” sabi ko.

Nagulat din siya sa nalaman niya. Hindi niya nga masara ang bibig niya dahil sa gulat.

“Mga kabataan talaga ngayon. Oh sige. Kapag nagising na ang kaibigan mo sabihin mo nalang ang mga dapat niyang gawin ha?”

I unconsciously nodded.

“Sasabihin ko ba kay pinuno?”

“Wag! Wag muna. Hintayin natin ang desisyon ni Christine. It’s her child after all.”

***

Christine’s POV

Nagising ako na nasa clinic na. Ang huli ko lang natatandaan eh pumasok ako sa gym at nakita ko si…Dylan a-at may kasama siyang ibang babae.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon