Chapter 50: Versus

15K 233 1
                                    

Chapter 50: Versus

Christine’s POV

Nasa biyahe kami ngayon papuntang Star City. Gusto kasi ni Kent pumunta doon. Habang nasa biyahe kami, panay ang kwentuhan namin ni Kent tungkol sa mga ginawa niya sa U.S. Hindi ako maubusan ng tanong sa kanya dahil sobrang tagal naming hindi nagkita. Tahimik lang si Dylan habang nagmamaneho at hindi ko nalang siya inistorbo. Baka masigawan niya ako eh, mahirap na.

“Nga pala, Christine. Gusto kong pumasok tayo sa horror house!” sabi ni Kent.

“Eh, alam mo namang takot ako sa mga ganoon diba? Ayoko!” Pagtanggi ko.

Pinisil niya ang ilong ko kaya nainis ako at hinampas ang kamay niya.

“Sige na, kasama mo naman ako eh,” sabi niya.

Lumitaw ang malalim niyang dimples nang ngumiti siya. Nagulat ako ng biglang huminto ang sasakyan. Buti nalang naka-seat belt ako kung hindi sumubsob na ang mukha ko sa biglaang paghinto ng kotse.

“Dylan, anong problema? Bakit bigla kang huminto?’

“We’re here,” seryosong sabi niya.

Alam kong ayaw niya kay Kent at alam kong nagseselos siya dahil mas nabibiyan ko ng atensiyon si Kent ngayon. Naiintindihan niya naman siguro ako hindi ba? Napag-usapan na namin ang tungkol dito.

Bumaba kami sa kotse ni Dylan saka pumasok at bumili ng ride all you can ticket. Pagpasok namin doon, sari-saring booths na may challenges at prices ang naroon. Para tuloy akong bata na hindi mapakali dahil sa excitement. Ang tagal na nung huli akong makapunta sa mga ganitong klase ng lugar.

“Saan niyo gustong sumakay?” biglaang tanong ni Dylan.

“Christine, sakay tayong roller coaster. Please! For me.”

Ngumiti sakin si Kent at pinagdaop ang mga palad niya para lang pumayag ako.

Nang tingalain ko ang roller coaster na nasa harap namin, hindi ko naiwasang mapalunok. Nakakakaba ngayong hindi pa ako nakasakay, pano na kaya kapag nakasakay na ako?

“Halika na,” sabi ni Kent.

Hinigit niya ang kamay ko pero agad din namang binawi ni Dylan iyon mula kay Kent saka dinala niya ako sa pilahan ng roller coaster.

“Dylan, wag ka namang ganyan oh,” sabi ko.

Hindi niya lang ako pinansin at tumabi sakin. Napabuntong hininga na lang ako. Ano ba yan.

“Why do we need to baby sit him, Christine?”

“Gusto ko pang magkasama tayo, matagal din kitang hindi  makikita lalo na ngayong bumalik na ako kanila mommy. Madalas na lang tayong magkikita sa school. Isipin mo nalang na quality time din natin ‘tong dalawa.”

Bumuntong hininga na lang siya pagkatapos kong sabihin iyon.

“Fine.”

Lumawak ang mga ngiti ko sa sinabi niya. yes! Hindi na siya sisimangot. Yayakapin ko sana siya kaya lang nahinto iyon ng magsalita na ang operator ng roller coaster.

“Pwede na  po kayong sumakay Ma’am, Sir.”

Sumakay naman kaming tatlo. Kasya kasi tatlong tao sa isang cart ng roller coaster kaya ako na ang pumagitna. Baka mamaya sa sobrang tuwa ko, hindi ko na mamalayan at nagsusuntukan na pala sila.

Maya-maya pa umandar na rin ito. Sa umpisa mabagal pa pero ng tumagal, bumilis na ito. Nakapikit akong yumakap kay Dylan. Ramdam ko kasi ang lakas ng hangin. Sabay-sabay kaming napasigaw dahil sa bilis ng takbo ng roller coaster.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon