Chapter 27: Christmas Arguments

19.1K 296 12
                                    

Chapter 27: Christmas arguments.

Lenxi’s POV

Nakaka-inis siya, we’re breaking up the moment na hindi nya pa ako sinundan kapag lumabas ako ng mall na ‘to. MARK MY WORD.

Nakita ko na yung exit ng mall at tumingin sa likod ko. Hindi ko nakita si Baek, para akong nakaramdam ng sakit. Gusto ko umiyak. Alam naman niyang ako ang girlfriend niya hindi ba? Sana bago man lang siya nakipag-date sa iba, inayos muna niya ang mga bagay na dapat niyang gawin sakin. HELLO?! Tao ako, may pakiramdam ako!!

Kapag lumabas ako ng pintuan ng mall, sa susunod na pagkikita namin, BREAK NA KAMI.

Nangigigil kong pinipigilan ang sarili kong lumabas, bibigyan ko siya ng chance na magpaliwanang pero inabot ako ng 20 minutes kakahintay dito hindi ko parin siya nakita. Edi fine, break na nga kami.

Masama ang loob kong lumabas ng mall at mabilis na pumunta sa parking lot.

Nung nasa parking lot na ako, napa-upo ako sa tabi nun at nagtakip ng mukha.

Hindi ko na kaya, anytime maiiyak na ako. Iniisip ko palang na mas pinili ni Beak yung Japanese girl na kasama niya? Parang may kutsilyong tumutusok sa likuran ko.Yumuko ako para hindi mapansin ng mga dumadaang tao sa parking lot ang pag-iyak ko. Hindi ko na kayng pigilan ang nararamdaman ko eh, hindi ko na maaantay sa maka-uwi pa ako sa bahay.

“Lenxi.”

Inangat ko ang ulo ko nung may marinig akong tumawag sa pangalan ko. It’s France. He’s smiling in front of me.

Inabutan niya ako ng malinis na panyo.

“Okay lang ako.” Tanggi ko sa kanya.

“Okay? Halata namang nasasaktan ka eh.” Hinigit niya ang kamay ko at ibinigay ang panyo sakin. “Wag ka ng mahiya, gamitin mo ‘to pamunas, kumakalat na yung eyeliner sa mata mo.”

Naka-simangot kong pinunasan ang mukha ko. Naiinis pa rin ako.

“Saka ko na ibabalik ‘to ha? Lalabhan ko muna.” Pinilit kong ngumiti sa harapan niya.

“Sino bang mag-aakala.”

“Ha?” nagugulahan kong tanong.

“Sinong bang mag-aakala na ang Lenxi na kilala ko, iiyak sa harapan ko.” Tumingala siya saka ngumiti.

“Hindi mo pa naman ako kilalang kilala para mag-salita ka ng ganyan.” Naka-poker face na sabi ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot pabalik at nanatiling nakangiti lang. may nakita akong pasa sa kanang labi niya.

Tumayo ako at hinila ang baba niya pababa pero hindi ko maaninag, masyado kasi siyang matangkad. Dahang-dahang Tumingkayad ako para makita yung pasa sa labi niya.

“Anong nangyari dito?” tanong ko habang nakatitig sa pasa ng labi niya.

“Huh? Aaahhh tumama kasi yan dun sa pintuan ng resto nung hinabol kita.”

Iniwan ko nga pala siya kanina doon. Nahiya ako bigla.

Umayos na ako ng tayo saka yumuko.

“Sorry.” Mahinang sabi ko.

“Sorry for what?” tanong niya sakin.

“For giving you trouble.” Bumuntong hininga ako at tiningnan siya. “Iniwan kita kanina pero sinundan mo parin ako, bakit mo ginawa yun?”

“Alam ko kasi na iiyak ka. Sinundan kita para damayan. ako lang ang kasama mo, magiging bato pa ba ako?”

Ngumiti siya sakin tapos nagulat ako nung niyakap niya ako.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon