Chapter 8: school Heartthrob agad? (2)

27.6K 444 23
                                    

Chapter 8: School’s Heartthrob agad? (2)

Lance’s POV:

Anak ng pusang kinalbo naman oh, asan na kaya yung baeklang yun? Biglang  nawala sa paningin namin. Tsk! Pano pag may nakita siya ng mga estudyante dun? Mapagkalaman pang bakla haytsss naman oh! Tsk!

“Oh bakit ka naka-simangot diyan lance?” tanong ni D.O. habang nagbubukas ng Piatos.

“Penge naman ako niyan D.O. nagugutom na ako!” hirit naman ni chen.

“Ano ka poor? Kung Gusto mo bumili ka, hindi ako namimigay sa mga hampas lupa,” singit ni D.O.

“Manahimik na nga kayo! Baka mamaya dumating na yung prinicipal nitong school, pag  nakita kayong ganyan baka hindi na tayo maka-pasok dito,” saway ni Luhan.

“At isa pa, bawal kumain sa loob ng admissions office,” pangaral ni Tao.

“Oo na tsk! Alam ko kaya lang kayo nag-kakaganyan kasi hindi ko kayo bibigyan ng piatos ko, mga buraot!” inis na sabi ni D.O.

Napatampal nalang ako ng noo. Mga baliw ‘tong mga ‘to kaya hindi tumatagal yung mga girlfriends nila sa kanila eh. Lahat kami single maliban kay chanyeol, adik na adik yan sa girlfriend niya eh, nagmumukha na nga siyang stalker kapag nag-de-date sila.

Tingnan mo ang tahimik ng loko. Dinadamdam siguro yung sinabi kong i-break na yung girlfriend niyang si Dara.

“Dude,” Mahinahong tawag ko.

Lumingon naman siya sakin ng may blankong mukha tapos bumalik sa dating tahimik at nakapalumbaba na pwesto. Hindi na love ang tawag diyan. Obsession na.

Di ba nga mas tumitibay ang isang relationship kapag long distance? Pero sa pagkaka-alam ko magkapit-bahay na man sila eh. Lilipat lang ng school para ng namatayan. Psh. Chanyeol talaga.

Lumabas muna ako ng office ng principal saka nag-sindi ng sigarilyo. I puffed the smoke smoothly making a round shape.

“Excuse me,” sabi ng isang babae.

Tumingin ako sa babaeng nagsalita. Maputi siya, may straight na bangs at below my shoulders lang ang height niya at mukhang Ulzzang Model.

“Is there anything that I can help you?” nakangiti at sincere na tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Bakit? Ay sinabi ba akong mali? Wala naman ah?

“Bawal pong manigarilyo dito kuya.” Mataray na sabi niya.

“A-ah, oo nga pasensiya na.”

Tinapon ko ang sigarilyo ko at tinapakan. Aish! Ngayon lang ako sumunod sa isang babae. I Don’t know, I think there is something into her.

Tumalikod siya at nag-simulang mag-lakad pagkatapos kong patayin ang sindi ng sigarilyo ko.

“S-sandali!” I called absent mindedly.

Lumingon naman siya pero seryoso lang ang mukha niya. Cute.

“Bakit?”

“Anong pangalan mo?”

“Luxielle.”

Pagkatapos non hindi ko na siya naka-usap dahil dumeretso na siya ng lakad. Kahit saglit at mabilis lang nag pagkakasabi niya sa pangalan niya, paulit-ulit na nag-pe-play back sa utak ko ang boses niya,

“Luxielle...”

“Luxielle…”

“Luxielle…”

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon