Chapter 22: I’m yours.
Lance’s POV
Nang matapos ang gang sa pagtatali sa lahat ng mga sumugod samin. Kinasa ko ulit ang baril ko, susundan ko si Dylan.
“Lance! Mag-iingat ka!” sabi ni Chanyeol.
Tumango naman ako at kumaway saglit sa grupo.
May narinig akong putok ng baril kaya sinundan ko ang tunog nun.
Wala pang 3 minutong pag-takbo ko ng mabilis pumutok nanaman ulit. Mas binilisan ko ang takbo.
Sa pag-takbo ko may naaninag akong nakatayo di kalayuan kaya binagalan ko ang lakad ko. Dahan-dahan kong tinutok ang baril sa tagiliran niya.
“Wag kang gagalaw.” Banta ko sa kanya.
Binitawan naman niya ang hawak niyang baril pero nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko at iikot.
Pamilyar ang galaw na’to ah?
Mabilis kong sinangga ang galaw niyang yun. Sinipa ko ang likod ng tuhod niya (kung yun man ang tawag dun) saka yumuko at sinipa naman ang talampakan niya para mapahiga siya. Nagawa ko yun pero hinila niya ang black coat ko kaya pati ako natumba at nadaganan ko siya.
“Lance?”
Sabi niya.
Pareho kaming nagulat at mabilis na napa-upo.
“Anong ginagawa mo dito?!” halos sabay na sabi namin.
“Basta.” Sabi ko. “Ikaw?”
“Inililigtas si Christine.” Sabi niya.
“Nakita mo sila?”
“Oo, hinahabol sila ni—ibig kong sabihin ng isang lalaki.”
Parang pinigilan niyang masabi ang pangalan ni Ryuji.
Ibig bang sabihin nun kilala niya si Ryuji? Papanong?
Argh! Lance! Nasa gitna kami ng laban! Saka ko na iisipin yun!
“Halika! Sundan natin sila!”
Tumango naman siya saka sumunod sa pag-takbo.
Nakita namin si Dylan at Christine. Naghahalikan. Mabilis kong tinakpan ang mata ni Luxielle pero inalis naman niya yun inikot.
“Aray! Para saan nanaman yun?” tanong ko.
“Nanganganib ang buhay ng mga kaibigan mo tapos may oras ka pang takpan ang mata ko, baliw ka ba?” naiinis na sabi niya.
Natahimik nalang ako. Aabante na sana ako nung makita ko si Takemura na tinutukan ng baril si Dylan. Nakarinig kami ng isang malakas na putok ng baril. Nagulat kami pareho ni Luxielle sa nakita namin. Niyakap ni Christine si Dylan at sinalag ang bala. Delikado yun dahil malapit si Takemura sa kanilang dalawa.
“No, C-Christine. No….no, NO!!!”
Narinig naming sigaw ni Dylan.
Tinutukan ulit ni Takemura si Dylan pero wala pang isang iglap, Bumagsak na si Takemura.
Napalingon ako kay Luxielle. Hawak niya ang isang pistol at nakatutok iyon kay Takemura. Iba yung hitsura ni Luxielle no’n parang may halong inis ang mukha niya.
Tumingin siya sakin saka ngumiti.
“Wag mo akong titigan ng ganyan, criminology ang course ko, dapat alam mo yun.”
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Ito yung tipo kong babae.
Tumakbo siya papunta kela Dylan at Christine. Patuloy ang pagdugo ng likurang parte ni Christine. Delikado talaga. Baka maubusan siya ng dugo.
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...