Chapter 23: A new beginning
Luxielle’s POV
Nandito ako sa bahay ni Lee, nakita kong bumaba sa sala nila yung younger sister niya pero hindi kami nag-pansinan. Hindi naman kami close nun eh. Sumunod naman si Lee na bumaba kaya tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa malaking sofa nila.
Magka-salubong ang kilay niya, mukhang nabalitaan na niya yung ginawa ko. Bigla akong kinabahan.
“Luxielle!” napa-ayos ako ng tayo sa sigaw niya.
“L-Lee.” Ganting sagot ko.
“Sinabihan na kitang wag makeke-alam hindi ba?!!”
“A-Anong magagawa ko? Kawawa si Christine eh---“
“She’s dead.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Ano?”
“I said she’s already dead, sinabi sakin ng younger sister ko.”
“K-Kelan?”
“Kahapon.”
Nagulat talaga ako, per teka, bkit parang sa tono ng pananalita ni Lee, nanghihinayang siya?
“Bakit parang naghihinayang ka?”
“Malaki siyang kawalan para sa mga plano ko.”
“Dahil ba’to kay Collin? Lee, bakit ba galit na galit ka sa kanya?”
“It’s none of your freaking business Luxielle.” Tumalikod siya saka aaktong aalis.
“Personal ba kaya ayaw mong sabihin?”
Napahinto siya sa sinabi ko. So, something personal nga, ano bang ginawa ni Collin sa kanya? Binalian din ba niya ng binti? Pero okay naman siyang mag-lakad ah.
“You’re free to go Luxielle.”
Yun lang? walang sigaw? Walang banta? Himala.
***
Christine’s POV
Nandito parin ako sa hospital. Yung doktor na umasikaso sakin nung nag-aagaw buhay daw ako hindi makapaniwala sa nangyari. Psh, hindi ba siya nanunuod ng mga teleserye oh nagbabasa sa mga story sa Wattpad? Posible kaya yun!
Napangiti ako nung makita ko si Dylan na natutulog sa tabi ng kama ko. Ang lalim ng eyebags niya, ilang araw ba siyang kulang sa tulog? Kawawa naman.
Tumagilid ako ng higa saka sinundot ang pisngi niya.
“Ang gwapo mo talaga...”
Sinundot ko ulit yung pisngi niya saka tumawa ng mahina.
“Kaya lang babaero ka.” Bumaba yung mga tingin ko sa labi niya. napa-lunok ako. Bakit ganun? Parang na-miss ko yung mga halik niya. Gisingin ko kaya siya tapos mag-request ako ng isang kiss?
Sira, kawawa naman, mukhang napuyat kaka-bantay sakin nung na-coma ako. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sa gulat ko napa-ayos ako ng higa.
“CHRISTINE!!”
Malakas na sigaw ni Carla saka tumakbo papalapit sakin at niyakap ako. dahil sa sigaw niya nagising si Dylan.
“W-What’s that?” sabi ni Dylan habang gumegewang ang ulo at pa-pikit pikit pa.
“Dylan! Labas ka muna, moment naman namin ‘tong magka-kaibigan.” Nakangiti namang sabi ni Lenxi saka sinarado ang pinto.
“Bakit ko kailangang lumabas? Bahala kayong mag-moment diyan, hindi ako lalabas.” Naiiritang sabi ni Dylan.
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomansMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...