Chapter 63: Finish line

16.5K 283 11
                                    

Chapter 63: Finish line

Christine’s POV

This is it, the day of our wedding. Buti nalang at nagawan ng paraan ang wedding gown ‘ko, mukha pa ring flat ang tiyan ‘ko although I am three months pregnant. Hindi ‘ko na rin ipinilit na mag-suot ng heels. Baka kasi maaksidente ako.

“Okay, Christine…breathe, ‘wag kang kakabahan,” natatarantang sabi ni Lenxi.

“Eh mas mukha ka pang kinakabahan kesa sa’kin. Tell me Lenxi, ikaw ba ang ikakasal?” natatawang sabi ‘ko.

Kasalukuyan akong mine-make-up-an ng make-up artist na kinuha ni Mommy.

“Oo nga Lenxi, parang ikaw pa ang ikakasal eh bride’s maid ka lang naman,” sabi naman ni Luxielle.

Naibaling ‘ko naman ang tingin ‘ko kay Carla na tahimik paring naka-upo sa kama.

“Bakit ang tahimik mo?” Tanong ‘ko rito.

“Hindi kasi ako yung bride’s maid,” nakasimangot niyang sabi sakin.

“Come on, Carla, hindi lang naman si Christine ang ikakasal sa’tin eh, next time, if I am going to be married, ikaw ang gagawin ‘kong bride’s maid,” sagot naman ni Luxielle.

“Talaga! Sige sige!” tuwang-tuwnag sabi nito.

Naisip ‘ko bigla na malapit na pala silang grumaduate. Nakaka-miss din palang pumasok sa school.

“Malapit na rin pala kayong grumaduate ano? Congratulations,” nakangiti ‘kong sabi sa kanila.

“Kami oo, si Carla, ewan ‘ko,” nagdududang sabi ni Lenxi.

“Huh? Bakit naman?”

“Marami kasing bagsak na subject yan eh. Baka umulit ng isang taon.”

Ibinaling ‘ko ang mga tingin ‘ko kay Carla, natawa ako sa mukha niya dahil sobrang talim ng tingin niya kay Lenxi.

“Sa hinaba-haba ng mga naging problema niyo, nakayanan niyo at ngayon, ikakasal na kayo. Congratulations, Christine!” bati sa’kin ni Luxielle.

Ang totoo, kinakabahan din ako sa mga oras na ito. Sana wala ng mangyaring hindi ‘ko magugustuhan.

“Anong balak niyo after nating maka-graduate?” tanong ni Luxielle.

“Babalik ako ng Korea,” mahinang tugon ni Lenxi.

Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit ngayon niya lang sinabi sa’kin?

“Bakit? Alam na ba ‘to ni Baek?” tanong ‘ko.

“Yup, I already told him about this, balak ‘ko na kasing ipakilala si Baekhyun sa mga magulang ‘ko at susuduin ‘ko sila. Saglit lang naman ako mawawala at I’m pretty sure na nandito ako once na manganak ka na Christine.”

Ngumiti naman ako. Biglang may kumatok sa pinto at narinig ‘ko ang pagbukas nito.

“Is the bride ready?” tanong ni Kent.

Bumalik ulit sila Kent at Lola para lang masigurong makaka-attend sila ng kasal ‘ko. After the weddingay babalik na sila sa U.S.

Tumayo ako ng matapos akong ayusan.

“You look beautiful Christine.” Sabi nito at akmang hahalikan ako sa pisngi pero mabilis siyang napigilan ni Lenxi.

“Hoy, ikakasal na ‘yan kaya umayos ka. Hindi por que wala dito si Dylan eh pwede mo ng halik-halikan ang bride niya,” sabi nito.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon