Chapter 20: Hero

23.9K 397 11
                                    

Chapter 20: Hero

Christine’s POV

“I’ll take responsibility Christine…I Promise.”

Bago ako dumilat yun ang mga huling salita na narinig ko. Panaginip lang yun diba? Yung pagkuha samin ng mga lalaking naka-itim?

Akala ko panaginip lang pero mukhang mali ako. Pag-gising ko nasa isa kaming warehouse, nakatali ang kamay at paa ko sa upuan at may busal ang bibig. Lumingon ako sa kanan at nakita ko si Lenxi na walang malay.

“Oyy, mukhang may malay na yung isa!” sabi ng isang balbas saradong lalaki at may hawak na machine gun.

Bigla ako kinabahan ng makita ko yun. Anong ginagawa namin dito? Bakit kami nandito? Sino naman ‘tong mga lalaking to?

“Ang problema natin, Sino sa kanilang dalawa yung fiancée nung pinuno ng IntEXOcated?”

“Gago kasi kayo eh, dalawa ba naman kunin niyo.” Sabi naman nung isa na mukhang kasing edad lang namin.

“Hoy, France, wag kang mag-marunong ah, mas may karanasan na kami dito, eh ikaw? Baguhang binatilyo ka lang.” Ganti ulit nung mamang balbas sarado.

“Pano yan, Bukas pa raw ang dating ni bossing.” Sabi naman nung isa na mukhang bumbay pero patpatin. Armado din ng baril.

“Edi hintayin natin.” Sabi naman nung France.

“Ang gaganda naman ng mga ‘to, magaling mamili yung pinuno ng IntEXOcated ano?” sabi ulit nung bumbay na patpatin.

“Gago, subukan mong galawin yan, butas yang ulo mo.” Sabi naman ni Kuyang balbas sarado.

Pano kami makakatakas dito? Actually malaki ang area tapos puro mga box na patong patong ang nasa loob. Ang baho ng amoy dito. Ano kayang pabrika ‘to? Nakakahilo ang amoy. Nakapagtatakang sa laki ng lugar. Tatatlong lalaki ang kasama namin sa loob.

Ang iniisip ko, kung darating ba rito si Dylan para iligtas kami.

Paano kapag hind siya pumunta? Anong mangyayari samin ni Lenxi?

Lumapit samin yung lalaking binatilyo saka tinitigan kami.

“Ang malas niyo naman. Nadamay pa kayo sa problemang ‘to. Ang hilig niyo kasing pumatol sa mga ganung tao.”

May toyo ba ‘tong lalakeng ‘to?

May-maya nagising narin si Lenxi. Nakatingin ako sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa. Halatang natatakot rin siya sa nangyayari.

Tinanggal nila ang mga busal sa bibig namin saka tinutukan kami ng baril.

“Pare! Baka maiputok mo yan!” sabi nung patpating bumbay.

“Wag ka mag-alala, kakausapin ko lang sila.” Sabi niya saka lumingon ulit saming dalawa ni Lenxi. “Subukan niyong sumigaw, hindi ako magdadalawang isip na iputok ‘to sa mga ulo niyo, kahit magaganda kayo hindi ko kayo sasantuhin.”

Lumapit siya samin at yumuko  para maka-usap kami.

“Sino sa inyong dalawa ang fiancee ni Dylan Collin?”

Mahinahong tanong niya.

“Ako.” Nagulat ako ng mag-salita si Lenxi. Tumingin ako sa kanya. Bakit? Bakit?! Bakit niya ginawa yun?

“Ikaw? Sigurado ka?” tanong ulit ni kuyang balbas sarado.

“Hindi po! Wag kayong maniwala sa kanya!  Ako po!” sigaw ko.

“Sino ba talaga?” tanong ni France

“Ako nga kasi.” Tumingin sakin si Lenxi tapos tinarayan ako.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon