Chapter 26: This Love

21.3K 331 9
  • Dedicated kay To all my readers
                                    

Chapter 26: This Love

Christine’s POV

Tick tock tick tock.

Nakatingin lang ako sa wall clock ng kwarto ko. Aish! Hindi nanaman ako makatulog. Kahit na anong posisyon ang gawin ko. Pano ba naman kasi, hindi talaga ko maka-paniwala na for real na itong relationship na’to.

Pero kahit ganun, sa guest room parin ang bagsak ko. Gusto ko na nga matulog sa tabi niya eh kaya lang ang sabi niya…

“Hindi tayo pwedeng matulog sa iisang kwarto hangga’t hindi pa tayo kasal.”

Ang daya niya,samantalang noon lagi niya akong hinihila papasok sa loob. Another idea, I’ll just sneak in. mehehe ang talino mo Christina! Anak ka talaga ni Beatrice!

Mahina kong binuksan ang pinto ng kwarto ko saka nag-tip toe sa labas. Kinkabahan akong pihitin yung door knob ng kwarto niya.

Pano kapag nagising siya? Nakakahiya naman. Gusto ko lang naman siyang maka-tabi sa pag-tulog eh.

Okay!

Pipihitin ko na sana pero pinipigilan nanaman ako ng kabilang side ko.

Temper Christine, temper.

Aalis nalang sana ako pero napahinto ulit ako at bumalik sa tapat ng pinto niya.

Mag-iisip muna ako ng idadahilan.

Imagination mode #1

“Dylan…”

“Bakit? May kelangan ka, gabi na ah. Bakit hindi ka pa natutulog?”

“A-ano kasi, may kukunin lang ako sa walk-in-closet, pwede?”

“No, nakalimutan mo na ba na nasa kwarto mo na lahat ng gamit mo?”

“A-Ah eh…”

*end of imagination

Ang tanga ko naman kung ganun yung dahilan.

Imagination mode #2

“Waaaaah! Dylan papasukin mo akooo~!”

*kakalabugin ang pinto ng kwarto niya*

“WHY? IS THERE ANY PROBLEM?!”

“May multo sa kwarto kooo~!”

 “Pwedeng dito nalang ako matulog? Please?”

*End of imagination

Tch. Pambata naman, sinong maniniwala sa multo?

Imagination mode #3

“Dylan…” *Insert seductive tone*

“Christine, may problema ba?”

“Can you let me in?”

*Hold his chest*

“Let’s sleep together” *insert seductive tone*

*End of imagination

Eeeewww! Malaswa yung three , parang hindi na ako!

Napa-upo ako sa tapat ng pinto niya. sinandal ko ang likod ko sa pinto.

“Gusto ko lang naman tumabi sa kanya at yakapin siya ng mahigpit eh.”

Napabuntong hininga ako.

Napasinghap ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Dylan. Napatihaya tuloy ako dahil naka-sandal ako sa pinto niya.

“Christine? What are you doing?” naka-yukong sabi niya.

“Aaaahhhh…ehhh.. eto! Nakahiga sa sahig ng kwarto mo” Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon