Chapter 33: Epal.
Luxielle’s POV
“Kuya! Bakit sinama mo siya dito?!”
“He has the right to be here young lady and our parents said so. This is the right time for you to have a quality time with your fiancée!”
“Wala pa ako sa tamang edad kuya! I’m only 17 years old!”
“ANG NAPAG-USAPAN AY NAPAG-USAPAN.”
Napatingin ako sa Lalaking kasama ni Kuya.
“Wag ka ng tumanggi Luxielle, napag-usapan na natin ‘to dati pa, Arraseo?”
I rolled my eyes and then started to walk toward my room. I felt very disappointed. This is the reason why I don’t accept any suitors at all dahil alam kong in the end, ako lang rin ang masasaktan.
***
Tahimik lang akong nagpapahinga sa SC room. Ako nalang kasi ang naiwan dito at ayaw ko pa munang umuwi. Dahil nga nandoon yung matanda ko fiancée. Sa tingin ko exaggerated lang ako masyado, he’s not THAT old. He’s already 20 years old. 3 years older than me, 6 years old pa lang ako nung ipagkasundo ako sa lalaking yun and this is my fist time to see him in person.
Oo, gwapo siya, hindi ko maikakaila pero…I don’t barely know him.
That Park Jae Nim. I don’t like him. Hindi lang dahil nakatali na ako sa kanya but because kasama or should I say kasabwat siya ni Lee.
When I turned 18 ipapakasal na ako sa kanya. How stupid right? Pati sa pag-ibig wala na rin akong karapatang mamili.
Hindi ko alam pero biglang nag-flash sa utak ko si Lance. I kinda miss him. Yung pangugulit niya, yung pagtawa niya at pang-aasar everytime na nagsusungit ako sa kanya. I missed it. Iniwasan ko siya for 4 days. Nagbi-busy busy-han ako pero ang totoo wala na talaga akong gagawin dahil malapit na ang Christmas vacation. Yung totoo, iniiwasan ko na talaga siya.
Tumayo ako at kinuha ang shouder bag ko. Mas pinili kong lumabas ng SC room. Nagulat ako nang makita ko si Lance na nakaabang sa pintuan. Tatalikod na sana siya pero pinigilan ko siya.
“Yah! Bakit ka nandito?”
Lumingon siya saka ngumiti. Napangiti rin ako.
“Akala ko kasi iniiwasan mo ako dahil sa sinabi ko sa’yo nung nakaraang araw.”
“Ako? Hindi, Actually maraming nag-co-confess sakin hindi mo lang alam.” Tapos ngumiti ako. Sinungaling ka Luxielle.
Lumapit naman siya saka ngumiti.
“Ganun ba? Hindi na ako magtataka.”
“Hindi mo ba ako yayayain?”
Halatang nagulat siya dahil sa mga sinabi ko. Sinalat niya ang noo ko.
“Wala ka namang sakit…”
Hinampas ko yung kamay niya kaya napa-aray siya.
“Kung ayaw mo. Okay, fine.” Inirapan ko siya saka tumalikod pero hinawakan niya ang balikat ko.
“Joke lang, saan mo gustong pumunta?”
“I feel like drinking. Gusto ko uminom ng kahit anong alcohol.”
“Sigurado ka?”
“Mukha ba akong nagbibiro Lance?”
He just smiled a bit saka niya ako sinamahan sa isang malapit na bar. Maingay sa loob, lahat ng tao nagkakasiyahan. Ngayon lang ako naka-pasok dito kaya hindi ako masyadong pamilyar.
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...