Chapter 43: Only the truth

18.9K 282 8
                                    

Chapter 43: Only the truth

Luxielle’s POV

Kakauwi ko lang galing sa New year’s Party nila Dylan at Christine. I admit it, it was actually fun except for one thing.

Medyo nakakaramdam ako ng sakit kasi hindi niya ako pinapansin, parang hindi kasi siya eh.

Nasanay akong makita yung masaying Lance, yung palaasar niyang side, yung sincere at…gusto kong side.

“madaling araw  na ah, Where have you been?”

Napahinto ako sa pagakyat ng hagdan ng marinig ko si Kuya na magsalita.

“Party.” Tipid kong sagot. Aakyat na sana ako ulit pero hinila niya ang braso ko.

“Ikakasal ka ng tao, gumagala ka parin ng disoras ng gabi? Papano kung malaman yan ng parents ni Jae Nim at kung ano ang isipin? Tanga ka ba ha.”

“Kuya pagod ako, bitiwan mo na ako.” Mahinahong sabi ko sa kanya at pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.

“No, you listen to me young lady, starting from now umpisahan mo ng asikasuhin si Jae Nim para naman maganda ang maging tingin sayo ng mga magiging biyenan mo , naintindihan mo?”

“Masama bang pumunta sa party ng mga kaibigan? Isa pa, I’m not that 9 years old girl before, I killed more than 50 people at ngayong ine-enjoy ko ang nalalabing araw ng pagiging dalaga ko sinesermunan mo ako? Wala ba akong karapatang gawin ang mga bagay na gusto ko habang malaya pa ako at hindi pa nakatali?!”

Napalakas ang boses ko sa pag-sagot kay kuya. Naiinis ako okay? Naiinis ako sa buhay ko.

Binitiwan niya ang kamay ko saka dumistansiya ng kaunti.

“Next semester, hindi mo na kailangang mag-enroll.”

Nagulat ako sa sinabi niya.

“Pero kuya—“

“No buts, titigil ka na sa pag-aaral para makapaghanda ka na sa kasal mo, besides this following months darating ang mga magulang ni Jae Nim para makausap ka so be ready.”

Sa inis ko tumakbo ako papunta sa kwarto ko at nag-kulong.

This is unfair. This is very unfair.

Humiga ako sa kama ko saka umiyak ng umiyak.

Ayokong tumigil sa pag-aaral. Gusto kong matapos ang kurso ko, gusto kong matupad lahat ng pangarap ko.

Inaamin kong napag-isip isip ko na ‘to before akong mag-college pero…still hindi ko parin kayang tanggapin na ito na yung huli.

***

Lance’s POV

“Dad, may dala akong mga prutas. Tutulungan ko kayong makakain ng maayos para naman lumakas lakas na kayo.”

Sabi ko sa daddy ko habang inilalapag ang basket ng prutas sa mesa niya.

“Oo nga, kelangan kong magpagaling agad nang sa gayon eh makita ko nayang babaeng nililigawan mo at baka pumasa sa standards ko.”

Tumawa pa si daddy. Hindi ko pa naman nasasabi na sa pangalawang pagkakataon, na-basted nanaman ang anak niya.

“Lance, may problema ba? Bakit ang tahimik mo yata.”

Hiniwa ko yung orange at apple sa tabi ni daddy. Hindi na lang ako umiimik sa tanong niya. Hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin na na-basted ulit ako eh ine-expect pa naman niyang ma-me-meet niya si Luxielle. Haysss.

“Lance.”

“Ano pong gusto niyong drink? Mango or orange juice?”

“Ano bang problema mo? Halata naman sa mukha mo na malalim ang iniisip mo.”

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon