Chapter 37: Devil's Plan

18.7K 316 13
                                    

Chapter 37:  Devil’s Plan

Luxielle’s POV

“Hinding hindi kita susukuan dahil mahal kita!”

Peste. Kanina pa nagfa-flash sa utak ko yang mga linyang yan. Nakakainis na ah.

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko habang pilit na kinakalimutan yung mga salitang yun. Tae naman, alam kong lasing ako nung pero hindi pa naman ako bingi. Huminto ako saglit saka pinakiramdaman ang paligid. Yung puso ko, bumibilis ang pag-tibok. Rinig na rinig ko pa.

Napatayo ako sa kinahihigaan ko at napasabunot ng buhok.

ANO BANG NANGYAYARI SAKIN?!

“Mommy~~~!”

Katok ni Nathan sa labas ng kwarto  ko. Tumayo ako at binuksa na ng pinto.

“Ano yun baby?”

“When will I see daddy Lance?” he said with a pouty lips.

“Soon baby, did you miss him already?”

Tumango tango naman si Nathan. Napabuntong hininga nalang ako.

Siguro kundi dahil kay Nathan iiwasan ko na si Lance dahil puro awkwardness lang ang mararamdaman ko. Sinabi din sakin ni Christine na isasama daw ang buong gang ni Dylan kaya paano ko pa maiiwasan si Lance?

Mabuti pang isama ko nalang si Nathan sa Palawan para hindi naman masyadong awkward kapag nag-usap kami ni Lance.

“Baby, do you want to come with me?”

“Where mommy?”

“To Palawan next week, we’re going to celebrate Christmas with my friends and also…”

“Also?” he said with a smile of curiosity.

“Your Daddy Lance.”

Nakita kong nagliwanag ang mga mata ng kapatid ko at lumawak ang ngiti.

“Yeheyyyy!~”

“But be sure you’ll behave okay?”

Tumango tango naman siya. Ang cute niya tuloy tingnan.

Sinamahan ko si Nathan sa kwarto niya para patulugin. Nung makabalik ako narinig kong nag-uusap si kuya at si Jae Nim sa office nila. Nakita kong bukas ng kaunti yung pinto kaya sinubukan kong mag-eavesdrop sa usapan nila.

“Park, I received a messaged from Lee. Eto ang information tungkol sa makakalaban natin sa Kick Boxing match.”

Narinig ko ang pagkaluskos ng papel sa loob. Malamang binabasa na nung koreanong hilaw yung files.

“Who’s this Lance Marcelino? I don’t know him.”

Nanlaki ang mga mata ko nung narinig ko iyon.  Anong Kick boxing? Bakit kasama si Lance dun? Kalaban nila ang IntEXOcated?

Sa gulo ng utak ko hindi ko napansin na may vase pala sa tabi ko at natabig ko. Nabasag iyon kaya mabilis na lumabas sila kuya sa office niya.

“Luxielle, anong ginagwa mo rito?”

“Bakit kuya?”

“Anong bakit? Ako ang nagtatanong diba?”

“Bakit kakalabanin niyo ni Lee ang IntEXOcated?!” galit na sabi ko sa kanya.

“Teka nga ano bang kinagagalit mo diyan? Bakit masyado kang apektado kung makakalaban namin ang patapong grupong yun ha?! “

Natahimik ako sa sinabi ni kuya. Nakatingin lang siya sakin na paring naghihintay ng sagot.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon