Chapter 49: All I know.

16.5K 256 4
                                    

Chapter 49: All I know.

Warning: SPG ulit. Pasensiya na hehehe.

Christine’s POV

Umalis na kami sa bahay ni Mommy. Hindi naging maganda ang pag-uusap nilang dalawa. Nagdesisyon kasi si Lola na kung gusto ko raw na pumayag siya sa kasal namin ni Dylan, bumalik daw ako doon at doon na muna tumira hanggang sa matapos ang kasal. Hindi raw kasi magandang tingnan na hindi pa kami kasal pero magkasama na kami sa iisang bahay. Pinagalitan nga ni lola si Mommy dahil nalaman niyang si Mommy ang may pakana ng lahat eh. Siya kasi ang nag-suggest na bumili ng bahay para samin ni Dylan.

Tahimik pa ring nagmamaneho si Dylan at kanina pa hindi mawala ang kunot sa noo niya. Nagsimula iyon ng dumating si Kent sa eksena. Yeeeih. Nakakakilig naman ‘to, nagseselos.

Sumandal ako sa braso niya pero ginalaw niya iyon kaya inalis ko ang ulo ko. Galit siya. Ayaw niya akong pasandalin sa braso niya. Ano ba yan.

“Galit ka ba?” Tanong ko.

Hindi siya umimik at tahimik lang na nagmaneho. Pupunta kami sa condo ng gang niya kasi kukunin namin si Chrislan. Isa pa, mag-e-empake pa ako ng mga damit ko kasi babalik na ako sa bahay ni Mommy.

“Dylan, pansinin mo naman ako. Galit ka ano?”

Kinakalabit ko ang braso niya dahil hindi niya ako pinapansin.

“Not now Christine. I’m driving.”

Seryosong sabi niya sakin kaya nanahimik na lang ako. Ayoko namang masigawan ano. Nakakatakot ang aura niya eh. Ewan ko kung saan siya nagagalit. Dahil ba sa sinabi ni Kent oh dahil sa desisyon ni lola.

Nakarating kami ng condo nila. Pinark niya ang kotse niya saka naglakad kami papuntang elevator. Ayaw niya parin akong kausapin.

“Ano ba, hindi ka naman na nag-da-drive. Kausapin mo na ako. Galit ka ano?”

Tiningnan niya ako saka bumuntong hininga.

“Galit ka ano? Bakit ka ba nagagalit, wala naman akong matandaang ginawa na dapat mong ikagalit.”

Kaming dalawa lang ang nasa elevator dahil medyo gabi na.

Ginulo niya ang buhok niya saka tumingin sakin.

“Crush mo ba talaga yung chinitong yun?”

Tanong niya sakin.

“Ha?”

Yun lang ang nasabi ko. Nakunot ng husto ang noo ko dahil sa tanong niya. So hindi niya ako kinakausap dahil lang sa sinabi ni Kent?

“Teka nagseselos ka ba?”

“Of course! I am f*cking jealous Christine! Kung makayakap sa’yo akala mo linta eh. Kung hindi ko lang pinipigilan ang sarili ko kanina, sinapak yung gagong yun eh.”

“Bakit ka nagseselos eh yumayakap lang naman. Matagal din kaming  hindi nag-kita kaya na-miss ako nun.”  Nakangiti kong tugon sa kanya.

Lalo lang kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

“And now you’re going back to that house with that guy. Nasa iisang bahay pa kayo. Mamaya pag natutulog ka, bigla kang pasukin niyan sa kwarto mo tapos-“

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil sinuntok niya ang dingding ng elevator.

“Ano bang kinagagalit mo? Ang aalis ako sa bahay oh dahil kay Kent?”

“Both.”

Mabilis niyang sagot.

“Kent is just my childhood friend. Wala akong crush sa kanya, siya ang merong crush sakin saka matagal na iyon, siguro nga may girlfriend na yun eh.Isa pa, ikaw naman ang papakasalan ko hindi siya. Binigay ko na ang sarili ko sa’yo kaya please wag ka ng magalit. Please?”

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon