Chapter 60: Accident?

16.8K 258 19
                                    

Chapter 60: Accident?

Lance’s POV

Paano nga ulit ako napunta sa sitwasyong ito?

“Lance! Halika dito, tingnan mo ‘tong mga couch na ‘to? Ito nalang kaya?” tawag sakin ni Luxielle na kasalukuyang namimili ng couch na pwedeng ilagay sa nursery.

All this time, ako nalang pala ang hindi nakakaalam na magiging tatay na ang bestfriend ko, nalaman ko lang nitong nag-aya silang bumili ng mga gamit sa nursery.

Binitbit ‘ko lahat ng paper bags pinaglagyan ng mga binili namin. Hindi lang ito para sa magiging anak ni Dylan, para rin ‘to sa kaartehan ni Luxielle, nag-sa-shopping na rin siya ng mga gamit niya at ako pa ang pinagbuhat.

“Daddy! Daddy, I want this shirt,” turo naman ni Nathan sa isang cute na damit ng baby.

“Nathan, that’s too small for you na. It’s only for babies eh,” paliwanag ‘ko kay Nathan.

“So I’m not a baby anymore na po? I’m adult po?” Tanong ulit nito.

“No, you’re still a baby Nathan, it’s just that it doesn’t fit on your size anymore,” sabi ‘ko.

Nalungkot naman ang mukha niya at napa-pout.

“Nathan, come here. Mommy has a surprise for you!” tawag naman ni Luxielle.

Agad namang tumakbo si Nathan papunta sa kanya. Kung minsan iniisip ko, paano kaya kung pakasalan ‘ko na rin si Luxielle? Inaamin ‘kong naiingit ako kay Dylan at Christine dahil magkaka-baby na sila. Gusto ko na rin eh pero alam ‘kong hindi papayag si Luxielle dahil may pangarap pa sya. Masyado pang maaga para sa’ming dalawa.

Nilapitan ‘ko silang dalawa saka tumingin rin ng mga couch. Busy-ng busy si Luxielle kakatinin kaya naisip ‘kong pagtripan siya ng kaunti.

“Lux,” tawag ko sa kanya.

“Hmm?” lumingon naman siya agad ng tawagin ko siya.

Lumuhod ako ng bahagya sa hinawakan ang kamay niya. Seryoso ‘ko siyang tiningnan. Halata sa mukha niya ang kaba ng makita niyang gawin ‘ko iyon.

“T-Tumayo ka nga Lance! Nakakahiya ang daming tao!”

“Pabayaan mo muna akong sabihin ang gusto ko Lux, matagal ‘ko ng pinag-isipan ito at alam ‘kong hindi ka pa handa pero sana, sagutin mo ako ng maayos.”

“A-Ano ba…”

Halata sa mukha niya ang kaba at pagka-tuliro dahil sa ginawa ‘ko.

“Will you...” Hinawakan ‘ko ang mga kamay ‘ko. Tumaas ang isang sulok ng labi ‘ko ng makita ang sobrang pamumula ng mukha niya. “Eat with me? Nagugutom na kasi ako eh, tara mag-lunch na tayo!”

Narinig kong nagtawanan ang mga taong nakakita sa’min pero hindi ‘ko na lang iyon pinansin. Tumayo ako at binitbit ang mga paper bags na dala-dala ‘ko kanina.

Nang tingnan ‘ko siya, sobrang pula ng mukha niya, hindi dahil sa nag-bu-blush pero dahil sa galit na siya.

“L-Lux, nagbibiro lang naman ako eh. Tumawa ka na lang, wag ka na magalit!”

“May sasabihin din ako.”

“Ano?” Tanong ‘ko.

“Gusto mong break na tayo?” pinandilatan niya ako ng mata kaya natakot ako.

“Sorry na! ito naman eh, sorry na, hindi na mauulit!”

Hindi niya ako pinagkinggan at hinampas pa ako ng isang paperbag. Hay, sana pala, hindi ‘ko siya biniro ng ganoon.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon