Chapter 44: His Death (part 1)

17.7K 260 2
                                    

Chapter 44: His Death (part 1)

Christine’s POV

Nagising kasi may tumatapik sa balikat ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita ko si Dylan na nakangiti.

“Good morning.” Bati niya.

“Anong oras ka naka-uwi? Sorry hindi ko napansin. Nakatulog na kasi ako eh.” Sabi ko pero hindi parin ako bumabangon sa higaan.

“Okay lang, may spare key naman ako ng bahay. Kumusta tulog mo?”

“Okay na okay, nga pala si Lance?”

“Okay na siya.”

“Mabuti naman.”

“Get up.”

“Eeeeeh mamaya na, inaantok pa ako eh. Matutulog muna ulit ako please?”

“Tumayo ka na, anong oras na oh, baka ma-late pa tayo sa school.”

Hindi ko siya pinakinggan at nagtalukbong ng kumot. Maya-maya pa, naramdaman kong binubuhat niya ako.

“H-Hoy Dylan, ano ba!”

“Bababa na tayo for breakfast, masamang pinaghihintay ang pagkain.”

Karga karga niya ako hanggang sa bumaba kami ng hagdan. Binitiwan niya lang ako ng makarating na sa kami sa kusina. As usual, siya parin ang nag-prepare ng breakfast.

“Let’s eat. I’m starving.”

“Starving talaga?” Sumubo na rin ako ng niluto niyang pancake. Kahit ordinaryong pancake lang ‘to ang sarap parin. Nakaka-asar kasi kahit pancake hindi ko kayang lutuin.

“Nga pala, hindi ako makakasabay sayo mamaya sa launch break.”

“Huh? Bakit, may gagawin ka ?”

“Yupp, kaya don ka na lang muna sa mga kaibigan mo sumabay.”

“Okay.”

After naming kumain, nag-pre-pare na kami para pumasok. Hinatid niya muna ako sa sa room saka umalis.

_______

*Lunch break*

“Hindi ako makakasabay sayo ngayon Christine, meron kasi kaming project sa music club ngayon.” Pag-papa-alam sakin ni Lenxi.

“Ako naman Bessie, pupunta sa detention.”

“Oo alam ko. Hamapasin mo ba naman ng libro yung mukha ng prof eh.”

“Eh kasi nga, naasar ako kapag sinesermunan niya ako. Saka may lamok kaya sa ilong niya kanina, hindi niya makita kasi malapag. Hihihihi.”

“Ang saya mo pa ah. Tsk tsk. O sige ako nalang mag-isa ang pupunta sa cafeteria since paraeho kayong busy.”

“Mag-isa? Eh si Dylan?”

“May gagawin daw siya eh.”

“Wee? Baka iba na ginagawa niyan ah?”

“Hindi naman siguro. Subukan lang niya.”

So ayun, alone ang drama ko. Pumunta ako sa cafeteria at bumili ng pagkain mag-isa.

Nasa kalagitnaan ako  ng pagkain ko ng makita ko si Jean.

Napatayo ako sa kinauupan ko ng makita ko siya. Kailangan ko siyang maka-usap.

Hindi ko pa nauubos ang pagkain ko pero tumakbo na ako para habulin siya. Medyo malayo layo na siya kaya nagtanggal ako ng heels at mabilis ng tumakbo para lang maabutan siya.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon