Chapter 12: We’re Pretending.
***
Christine’s POV
Nag-ring ang bell, sign na patapos na ang last class dito sa St. Gremory. Habang isa-isang nagsilabasan ang mga classmates ko nag-unat naman ako.
Narinig ko namang may nagtitilian sa labas. Mga haliparot nga naman oh. Isinukbit ko na ang Shoulder bag ko at kinuha ang ilang books ko.
“Kyaaaaaaah! Oppa! You’re so handsome!”
“Oppa!! I want to marry you!! Chhuuu!”
Mga karaniwang reaksiyon ng mga babaeng malalandi kapag may nakitang gwapo. Sino naman kaya ang nagkamaling maligaw?
Iritado at asar na asar na expression ko. Nakaka-inis, nakikisabay pa ang monthly period ko! Ang sakit sakit ng puson ko!! Buti nalang lagi akong prepared sa mga araw na ganito at nakapagdala ako ng pad. Pinisil ‘ko ang puson ‘ko dahil sa sobrang sakit.
Nagsisiksikan yung mga talandeeng babae sa may pintuan kaya hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Ngayon pa humaharang sa daanan ko kung kelan medyo mainit ang ulo ko, Eh kung pagsisipain ko kaya ‘tong mga ‘to. Bakit pa kasi ako naging babae eh.
Sumiksik ako sa pagitan ng mga kinkilig na mga babaeng ‘to. Nasisiko at nasasampal na nila ako dahil sa sobrang kalandian nila. May babaeng tumulak sakin paharap siguro kasi naiinis na sila kakasiksik ko. Eh gusto ko makalabas na eh! Remember malakas ang monthly period ko ngayon! Malakas na tumama ang balakang ‘ko sa sahig at talagang napakasakit no’n.
“A-aray…” mahinang daing ko nung masubsub ako sa sahig, tumahimik naman ang mga babae nang nakita nila ang pagsalampak ko sa sahig. Napahawak ako sa balakang ko. Ang sakit talaga!
“Christine!” sigaw ng isang lalaki sa likuran ko.
Nagulat ako. It’s Dylan. Hindi ‘ko alam ang gagawin ‘ko nang makita ‘ko siyang hinahawi ang mga babaeng nasa harapan niya para lang puntahan ako.
“So, flirting with some other girls?” tinaasan ko siya ng kilay.
Kakasabi ko lang kanina diba, wala munang landian sa oras ng usapan? Mga lalaki talaga, hindi kayang mag-timpi! Dapat sa kanila hinahampas ng pala eh!
“Huh? What are you talking about?” kunot noo niyang tanong.
Ay nako Dylan bumenta na yan, di na sakin uubra yan. Inilahad niya ang kamay niya para tuluyan akong makatayo.
“Here, let me help you.”
Tinarayan ko lang siya saka tumayo mag-isa. Nakahawak parin ako sa may bandang sikmura ko dahil masakit.
“oh my gosh may dugo!” Singhap ng isang babae sa likuran ko.
Huh? May dugo? Tumingin ako sa skirt ‘ko at nakitang may pula nga doon, tumingin din ako sa sahig kung saan ako sumalampak kanina at nakitang may dugo rin. Namula agad ang mukha ‘ko, sa pagkaka-alam ‘ko, maayos ‘ko namang nailagay ang pad na suot ‘ko!
“What the hell happened? Okay ka lang?!” nag-aalalang tanong niya.
Natulala ako, anong gagawin ko? Nakakahiya kapag sinabi ko kay Dylan pagkatapos ang daming babaeng nakapaligid sa’min!
“Come on, I’ll carry you. Let’s go to clinic!”
Hindi na ako naka-react dahil mabilis niya akong binuhat. Nakaramdam ako ng hiya nnag buhatin niya ako. Pinatitinginan kami ng mag estudyanteng nakakasalubong naming sa daan. Naiilang ako dahil sa sobrang katahimikan. Naisip ‘kong magsalita na para naman hindi nakakailang.
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...