Chapter 51: Revelation
Christine’s POV
Papasok na ako at nasa tapat na ako ng gate ng school. Nakita ko si Dylan sa tapat nito at nakapamulsang naghihintay. Lalapitan ko sana siya pero huminto ako.
Nabitiwan ko ang bag ko dahil sa gulat. Bakit? Ang dami niya pasa at sugat sa mukha?Tumakbo agad ako papunta sa kanya saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
“Anong nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo? Sinong naka-away mo?” naga-alalang tanong ko.
“I’m okay, Christine. You don’t have to worry about me…it’s just that…”
Nanghihina siya habang nagsasalita. Niyakap ko siya pero dumaing siya ng sakit sa bandang tagiliran niya.
“A-Anong bang nangyari ha? Sabihin mo sakin, please. Naga-alala na ako sa’yo. May problema ba? Ano?”
Niyakap niya lang ako ng mahigpit.
“Wala akong magiging problema as long as you’re here with me.”
Hindi ko kaya ‘to. Isang araw pa lang kaming hindi magkasama ni Dylan, may nangyari na agad sa kanya at nagka-problema na.
“Let’s go somewhere else. Hindi ako papasok. Gagamutin ko yang mga sugat mo.”
Umalis kami ni Dylan sa tapat ng school at dumeretso sa condo ng gang. Inasikaso ko ka-agad ang mga sugat niya sa mukha.
“Ano ba kasing nangyari ha? May naka-away ka ba? Kung meron man, bakit hindi ka man lang lumaban?”
Tiningnan niya lang ako. He’s not answering my questions. Naiinis ako kapag ganito siya. Kahit ang dami kong tanong hindi niya pa rin ako sinasagot ng maayos!
Sa inis ko idiniin ko ang bulak ng may betadine sa sugat niya.
“A-Aray! Ano ba?”
“Nakakainis ka na ah. Ano bang ginawa mo at nagkaganyan yang mukha mo? Pagkatapos hindi ka pa makalakad ng matino. May sinesekreto ka ano?”
Naningkit ang mga mata ko at tinitigan ko siya ng maigi. Biglang namula ang mukha niya kaya itinigil ko na. mamaya kung ano pang gawin nito sakin.
“Pano yan, masakit ang katawan ko tapos nagugutom na ako. Pwedeng ipag-luto mo ako?”
Nakangiti niyang sabi. Napalunok naman ako ng laway. Hindi ako marunong mag-luto!
“Si-Sige, susubukan kong mag-luto. Ano bang gusto mo?”
“Fried egg saka bacon.”
Tumayo na ako at agad na dumeretso ng kusina. Kumuha ako ng itlog at bacon sa ref. Hay, bahala na. Magpriprito lang naman ako.
Nanginginig pa ang kamay kong inilagay ang mantika sa frying pan. Pagkatapos inilagay ko ang biniak na itlog doon. Nang sa tingin ko eh luto na, binaligtad ko na saka sinunod namang i-prito ang bacon. Kung minsan natatalsikan ako ng mantika pero hindi ko nalang iniinda hindi lang masunog ang niluluto ko.
Nang maluto na ang mga iyon, pinagmasdan ko. Edible kaya ang mga ‘to? Ang ganda na kasi ng hitsura, hindi na sunog tapos hindi naman pala edible kainin.
Hinanda ko na ang mga niluto ko saka dinala kay Dylan. Halata sa mukha niya ang gulat nang makita niya ang pritong itlog at bacon.
“Woaah, ang ine-expect ko sunog pero ito mukhang maayos tingnan.”
“Grabe ka ah. Kapag ako nainis, ako kakain niyan, hindi kita bibigyan.”
Sumubo agad siya. Hindi ko alam kung anong lasa no’n pero hindi naman siya nagrereklamo. Hinanda ko ang gamot niya matapos niyang kumain. Hindi naman niya na-ubos ang niluto ko kasi marami rin ito at busog na siya kaya tinikman ko. Naduwal ako dahil sobrang alatng pritong itlog. Nasobrahan ko pala ng asin!
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomantiekMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...