Chapter 39: First Date.
Author’s Beautiful Note:
Hi there friends! Sorry kung ang tagal kong hindi na-update ang Marrying That Casanova. Sit Back and enjoy this chapter na lang! Sana magustuhan niyo.
****
Luxielle’s POV
Shet lang. Bakit hindi pa kumikilos ‘tong katawan ko para personal kong maibigay kay Lance ang regalo ko?
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nahirapang mag-regalo sa isang tao. Bakit kasi ikaw pa Lance?
Tinititigan ko ang binili kong regalo sa Mall kanina. Ang baduy ko mamili ng regalo. Haysss.
T-shirt lang naman siya. Nothing very special. Ito lang kasi talaga yung nakatawag pansin sakin kanina.
“Pano ko ibibigay sa’yo ‘to?” Halos pabulong kong sabi.
“Simple lang, iabot mo sakin ng nakangiti.”
Napalingon ako nung may nagsalita. Biglang tumibok ng mabilis yung puso ko nung nakita ko siyang nakatayo sa likuran ko.
“A-Anong sabi mo?”
“Para sakin yan no?” nakangiti niyang sabi sakin.”
“Asa ka. S-Sinong may sabing para sayo ‘to?”
“Simple lang, ako nalang yung walang regalo dun eh Tapos ikaw nalang yung hindi pa nagbibigay.”
Natahimik ako. Wag mo siyang pansinin Luxielle. Payapa mong ibigay ang regalo niya. Kahit hindi mo na siya kausapin para hindi mo na maramdaman ulit yun.
Iniabot ko sa kanya yung regalo niya ng hindi tumitingin sa kanya.
“Wala bang Merry Christmas o kaya naman I Love you?”
“ANONG PINAGSASABI MO DIYAN?!” pasigaw na sabi ko sa kanya.
“Tsss. Ang simple lang naman nung sinabi ko tapos kung makasigaw ka parang ni-rape kita oh ano.”
Hindi ko nalang ulit siya pinansin at tumingin nalang sa malayo. Peste, eto nanaman yung feeling na ayaw kong maramdaman.
“Bakit hindi ka sumasali dun sa party, nag-se-senti ka dito sa buhanginan.”
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Umusog ako ng kaunti palayo sa kanya pero mukhang napansin niya yung kaya hinila niya ako palapit sa kanya.
“Kung maka-iwas ka naman akala mo may sakit ako. Hindi mo ba alam na nakakasakit ka na?”
“Hindi kita sinasaktan.” Seryosong sabi ko. “Hindi naman kita sinusuntok oh sinisipa diba?”
“Hind naman sa pisikal eh.”
Wala na kong masabi sa lalaking ‘to , bawat sabihin ko marami siyang pambato.
“Sige, una na ako.” Pagpapaalam ko pero imbes na bitiwan niya ako, nanatili lang siyang naka-akbay sakin.
“Dito ka muna, mag-uusap pa tayo.” Tumingin siya sakin ng may seryosong mukha. “Akala ko kapag nandito na tayo sa Palawan mas magiging okay tayo…pero parang mas lalo kang lumalayo. Sabihin mo nga Luxielle, ayaw mo ba sakin?”
Ayaw? Hindi naman, basta ayoko lang mas lumapit sayo, baka kapag mas naging close tayo ng husto mas lalo lang lumalim ang…nararamdaman ko sayo.
“Magsalita ka nga, para akong nakikipag-usap sa hangin eh.”
“Ahhhh…ehhhh…wala akong ma-isip na isasagot sa tanong mo.”
“Wala kang maisip isagot oh ayaw mong sagutin?”
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
Roman d'amourMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...