Chapter 28: LenBaek
Christine’s POV
Okay!
Kinuha ko ang recipe book na nakatago sa drawer ng kusina namin. Si Dylan, natutulog pa. napagod kagabi.
Kasi kagabi…ano…kagabi kasi…feeling ko nag-ba-blush ako habang nagku-kwento sa inyo!
Kagabi kasi buong gabi kaming…
Buong gabi kaming naglaro ng binili niyang video games. Nakuha niya yun sa arcade na pinuntahan niya kasama si D.O.
Ayun napuyat. Maaga akong natulog kesa sa kanya. Hindi naman kasi ako nanalo kahapon sa kanya. Mas magaling siyang mag-laro ng video games eh. Bilang prize niya, ipagluluto ko siya ng breakfast!
Hehe. Hmmm.. ano kayang masarap?
Fried egg? Ay wag na, last time na nag-luto ako nun nasunog eh.
Bacon? Pwede.
Tapos toasted bread saka fried rice!
Kinuha ko na ang lahat ng ingredients na kakailanganin ko sa breakfast na lulutuin ko. Dapat matuto na ako. Simula kasi nung iwan kami ni tita,tito at mommy eh si Dylan nalang ang gumagawa ng lahat. Pagluluto paglalaba, pamamalantsa at paglilinis ng bahay. Ang ginagawa ko lang naghuhugas ng kinainan namin.
Napabuntong hininga ako. Anong silbi ko? Papano kapag ikasal na kami ni Dylan tapos hindi ako marunong ng gawaing bahay? Pabigat lang ako.
Kaya, from now on! Gagalingan ko! Tama! Fighting!
Kumuha ako ng bacon sa ref. Sinandok ko rin yung kanin na natira kagabi saka dinurog. Nag-hiwa ng mga igigisang gulay tapos nag-lagay ng tinapay sa toaster.
“Madali lang naman pala ‘to eh!”
*after 3 minutes*
“Kyaaaah! Nasusunog na yung sibuyas!” tarantang sigaw ko habang nakikitang maitim pa sa pwet ng kladero yung sibuyas.
“Yung bacon! Nadurog!!”
Napasigaw rin ako nung sandukin ko yung bacon. Bukod kasi sa nasunog siya,nadurog pa.
Nung ilagay ko naman yung kanin sa sibuyas biglang nagliyab yung pan. Kinabahan ako kaya kumuha ako ng pitsel saka binuhusan ng tubig yung pan.
Waaaaaaaaaah!!! Epic fail! Hindi ako nakaluto ng matino huwaaaaaaaaaa!!!!
Napuno ng usok ang buong kusina dahil sa pag-buhos ko ng tubig sa pan.
“CHRISTINE!!!”
Ohnononnonono! He’s awake!
“CHRISTINE,WHERE ARE YOU?!”
“Nandito ako Dylan!” sigaw ko. Hinawi niya yung usok sa kusina, nung makita niya ako, hinila niya ang braso ko at niyakap ng mahigpit.
“D-Dylan…okay lang ako.”
“RETARD, What do you think you’re doing? You almost gave me a heart attack!”
Mahigpit parin niya akong niyayakap.
“Wala naman akong ginagawang masam ah?”
“Ano ba kasing ginagawa mo?!”
“Mag-luluto lang sana ako ng almusal mo…” mahinang sagot ko sa kanya.
“Then?”
“Tapos…nasunog…” bigla akong naiyak.
Kasi naman eh! Since when pa ako naging cry baby? Hindi naman ako ganito dati ah!
“Why are you crying retard?”
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...