Chapter 5: Engagement party (2)
***
Christine’s POV
We’re still dancing, nakatingin lang siya sakin habang dahan-dahan niyang iginagalaw ang katawan niya kasabay ng tugtog, dahil dun hindi tuloy ako makapag-concentrate.
“Are you tired?” tanong niya.
“Medyo.” Tipid kong sagot.
“Okay fine let’s stop.”
Tinanggal niya ang braso ko na naka-ikot sa leeg niya at dinala niya ako pabalik sa pwesto namin kanina.
“Stay here.” He said with authority. Teka ? inuutusan ba ako nito?
Hindi parin tumitigil ang party, mag-aala-una na ah? Hindi pa ba sila tapos?
Tumayo ako sa kinauupan ko at hinanap ko si Carla. Hindi ko pa siya ulit nakikita, kung uuwi man yon magpapasabi yun.
Inaantok na talaga ako. Medyo bumibigat na yung mga mata ko.
Habang iniikot ko ang dance floor may nabangga akong lalaki.
“I’m sorry.” Mahinahong sagot ko. Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
“Wait, Senti girl ikaw ba yan?” sabi nung lalaki na nakangiti ng malapad.
Yung Lance, teka? Bakit nandito siya party ko?
“NICE, ikaw nga yan!”
“Uhhh..”
“Hindi ko akalain na ikaw ang fiancee ni pinuno.”
Pinuno? Huh? Pinuno? Pinuno ng ano? Hindi kaya butler to ni Dylan? Ang gwapo naman nito para maging butler lang?
“Tsk! Ano ba yan ang tahimik mo parin, para kang si Dylan.”
“Wag mo nga akong ikumpara sa lahi niyo. Magka-ibang mag-kaiba tayo,”
Sobrang iba, Shiz!
“Joke lang, hindi ka kasi masyadong nag-sasalita tapos kung mag-salita ka pataray pa.”
“So?”
“Oh see? hay...”
“Kung okay lang aalis na ako.”
“Okie! See you next time Senti girl!”
“HINDI AKO SENTI GIRL!” inis na sabi ko.
Asar na lalaki yun ah? Kelan pa siya nagkaroon ng karapatan na tawagin akong Senti girl? Feeling Close lang Masyado ah! Tsss! Mga kalahi nga naman ni Adan oo!
Back to my unfinished business, nasan na ba yung babaeng yon? Hindi pa nagpapakita yun simula pa kanina!
Hindi pa nga ako nakakalayo dun sa Lance na yun may humila nanaman sakin at mabilis akong dinala palabas ng party. Bakit ba ang dami nalang mahilig manghila sakin, ANO BA?!
Pagdilat ko ng mga mata ko nasa may garden na kami ng Hotel. Bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses.
“Christine…”
“J-Jean...” nauutal na sabi ko.
Bago pa ako ulit maka-react niyakap niya ako ng mahigpit.
“I’m sorry…”
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Parang yung mga emosyon na tinago ko sa loob ko ng isang buong taon gustong kumawala. Pinipigilan ko lang umiyak.
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomansaMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...