Chapter 40: Moment.

18.8K 282 9
                                    

Chapter 40: Moment.

Christine’s POV

“Bakit natin iniwan si Chrislan?” nakasimangot kong sbai habang papasok kami sa isang mall.

“Ayokong magbuhat, saka bawal ang tuta sa sinehan.”

“Edi sana iniwan nalang muna natin siya sa isang pet salon dito kesa naman nabubulok siya sa kwarto doon sa hotel.” Nakasimangot parin ako habang hawak hawak ang dalawang strap ng backpack ko. Mag-a-ala Dora ako ngayon.

Naka-white sando ako tapos naka-red checkered polo, naka-black Jeans lang din at flat shoes. Ayaw ni Dylan na mas matangkad ako sa kanya eh :3

Si Dylan naman, yung paborito niyang black leather jacket saka black jeans. Naka white t-shirt lang siya sa loob. Hindi naman siguro niya paborito ang black di ba?

Umakyat kami sa third floor ng mall. Doon kasi yung location ng sinehan. Aaminin ko. Medyo naiirita ako ngayon KASE kanina pa may sumusunod saming tatlong babae.

Hello, fiancée here, hindi ba sila nakakahalata na ako ang special someone ng lalaking sinusundan nila?

Nung tingnan ko naman si Dylan, mukhang nahahalata na rin niya pero mukhang hindi siya interesado. Kaya lang naman ako nag-re-react kasi mukha silang tangang sunod ng sunod samin.

Nagulat ako nung hawakan ni Dylan yung kamay ko.

“Ano?” tanong ko.

“Boyfriend obligation.” Sabi niya saka tumingin sakin at ngumiti. Anong feel ko? Kinikilig siyempre. Saan niya natutunan ang ‘boyfriend obligation’ na yan?

Ilang oras na kaming palakad lakad dito kasi wala parin akong mapiling panonoorin at nagrereklamo na si Dylan.

“Wait.” Pigil niya kaya napahinto kami. “I need to go.”

“Huh? Saan ka pupunta?” tanong ko.

“C.R.” tipid na sagot niya. Um-oo nalang ako at naghintay sa tapat ng isang popcorn stand doon.

After umalis ni Dylan, lumapit sakin yung tatlong babaeng kanina pa buntot ng buntot samin. Medyo nairita na ako---ay mali kanina pa pala. Kayo ba naman ang nasa lagay ko diba?

Hindi sila simple looking girls okay? Halata naman sa damit nila eh. Yung isang babae, naka-tube at mini-skirt tapos nakasuot ng killer heels, yung isa naman Naka-long sleeves nga na damit pero kita yung pusod niya at nakamaong na short at rubber shoes at yung nasa gitna which is parang yung laging leader? Ganun naman yun diba, Naka red fit sando, black skirts, long curly hair, red lipstick, White legs at killer heels. Oh diba? Sa tataas ng suot nilang heels na kaya nila kaming sundan ng sundan? Mga desperada.

“Hello!” bati ng naka-red fit sando sakin. Hindi lang ako umimik sa bati niya. “I like your boyfriend, let’s switch boyfriend okay?”

Hitsura ko? Nganga! Kelan pa niya narinig  na nag-agree ako sa sinabi niya.

“I told you girls, she’s  kind, ibibigay niya yung boyfriend niya sakin.” tawa pa siya ng tawa  habang naglalakad sila palayo sakin. The fuck? What did just happened? Kukunin niya sakin si Dylan?

Saan sila nakakahugot ng ganyang lakas ng loob at kapal ng mukha para sabihin sa ibang tao ang mga bagay na alam nilang ikaiinis ng iba?!

Tiningnan ko nalang sila habang papalayo sakin. Sa inis ko hindi ko na napansin na nakabalik na pala si Dylan.

“Christine.”

“A-ha?”

“Kanina pa kita tinatawag, kanino ka ba nakatingin?” sabi niya na nakakunot ang noo.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon