Chapter 19: Mini Concert

24.7K 424 3
                                    

Chapter 19: Mini Concert.

Christine’s POV

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko nung magising ako. Nakatulog ako kakaiyak. Psh, teka? Ano bang oras na?

Kinapa ko agad ang cellphone ko sa bulsa ng maid outfit ko. Nagulat ako nung binuksan ko. 132 missed calls? Galing kay Dylan lahat.

Parang ang sarap tuloy ibato ng phone ko sa mukha niya. Nakakainis.

Inis-scroll ko ang phone at nakita ang isang text message.

From: Luxielle.

[hey, malapit na magsimula ang mini concert, I need your help na. asan ka ba?]

Hala? Teka? 20 minutes ago na ang message. Kanina pa nag-start ang concert! Ah Shiz! Bakit ba kasi ako natulog?!

Mabilis akong bumaba ng rooftop ng school. Patakbo na akong pumunta sa backstage ng coliseum at agad na hinanap si prez. Luxielle.

Good thing nakita ko naman siya agad na nag-a-assist din sa ibang student council members.

“Prez. Sorry po kung na-late ako.” Pag-a-apologize ko.

“Okay lang, teka? Galing ka pa ba sa dept. niyo?”

“Po?” tanong ko nung hindi ko magets ang sinasabi niya.

“Naka-maid outfit ka pa kasi. Ang cute mo tingnan.” Tapos ngumiti siya.

Oo nga pala, nasa locker yung uniform ko. Hindi pa pala ako nakakapag-bihis  (__.___”)

“Ano pong maitutulong ko sa inyo prez?”

“Uhmm. Sa ngayon wala pa namang problema eh, siguro mamaya, after ng Mini concert, pumunta ka sa S.C room, may pag-uusapan pa tayo.”

“Sigurado po ba kayo?”

“Yeah, yeah, sige pumunta ka na doon at manuod.”

Nag-bow nalang ako bago umalis. Weird, akala ko ba P.A. niya ako? Ano naman kayang pag-uusapan namin mamaya na kelangan pang sa S.C room niya sabihin.

*Spongeboooob~~~Squarepaaaants!!!*

Ring ng cellphone ko. Si Lenxi tumatawag. Kaya agad ‘ko naman iyong sinagot.

 “Hello?” mahina at walang ganang sagot ko.

[NASAN KA NA?!]

“Ano ba Lenxi, ang sakit sa tenga ng boses mo.”

[SORRY! NAGTITILIAN KASI MGA TAO DITO, NAG-SISIMULA NA YUNG CONCERT NASAN KA NA BA?]

“Papunta na ako diyan.”

[Bilisan mo! May naka-save na na upuan dito—hoy bruha! May uupo na diyan!! Wag mo upuan yan!!---eh baket? Kanina ko pa tinitingnan wala namang naka-upo ah?!!---sinabi kong may uupo diyan diba?!! Eto oh! Kausap ko ngayon!!! Lumayas kang hampas lupa ka!]

“Uhh.. Lenxi? May ka-away ka?”

[Hello? Sorry di na kita marinig! Bwisit na babaeng yun aagawan ka pa ng pwesto dito sa harap, sige, bilisan mo na at baka ma-agawan ka pa ng seat.. Byeee~~~~]

Pupunta ba ako? Baka kasi makita ko lang si Dylan dun, Lalo na’t mag-pe-perform ang IntEXOcated.

Bobo, *tampal sa noo* sa iisang bahay kami naka-tira malamang magkikita at magkikita kami,

Pupunta ba ako oh hindi?

Pa-atras abante ako dito, hindi ko kasi alam kung pupunta pa ba ako oh hinde.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon