Chapter 18: I LOVE HER.
Christine’s POV
“Come on, Eat this.”
“Ayoko… busog na ako Dylan..”
“Just one last bite.”
Wala akong nagawa kundi kainin yung takoyaki na binili ni Dylan sa takoyaki stand malapit dun sa café namin.
“Ang sarap no?” nakangiti niyang tanong sakin.
“Oo, sana kaya lang parang masusuka ako, ang dami mo kasing pinakain sakin eh “
“Wait.” Pinunasan niya ang sauce na naiwan sa bibig ko.
Kung minsan iniisip ko, nagpapanggap pa nga ba kami? Para kasing totoo na eh. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip tungkol dun. Papano kung mahulog ang loob ko kay Dylan pero hindi rin yun pareho sa nararamdaman ko? Masasaktan lang ba ulit ako?
“Busy ka ba mamaya?” tanong niya sakin.
“Huh? Uhmm. Hindi naman.”
“Good, punta ka mamaya sa mini concert ha? Hahanapin kita doon.”
“Dylan, PA nga ako ng president diba? Malamang nandoon ako.”
Ngumiti lang siya.
Oo nga no? nawala sa isip ko na mag-pe-perform sila, ano kayang gagawin ng mga ‘to? Makikipag-suntukan hanggang sa maubos ang tao sa loob ng coliseum?
“Ano palang gagawin niyo mamaya,Kakanta?”
“Akala ko ba nandun ka mamaya? Hintayin mo na lang.” Tapos nag-smirk siya.
Tahimik kaming naka-upo sa damuhan ng quadrangle ng school. Maya-maya pa may lumapit saming tatlong babae, halatang highschoolers palang sila dahil sa uniform nila.
“Miss, pwede pong patabi sa inyo ng kapatid niyo?”
“Excuse me?” biglang sabi ko. Kapatid? Saan banda kami naging magka-mukha?
“Miss, sige nanaman oh, ang gwapo po kasi ng kapatid niyo.” Sakin lang sila nakikipag-usap, si Dylan kasi, ewan, humiga tapos parang umidlip.
“He’s not my brother.” Seryoso kong sabi.
“Okay, sige na po huh?” nagtatawanan silang lumapit sa tabi ni Dylan saka pinag-masdan kung pano siya matulog.
“kyaaaahh.. grabe ang gwapo gwapo talaga niya..” parang kinikiliting sabi ng isa sa kanila na may dalwang buns sa ulo, parang si Chun Li.
“Oo nga eh noooh.. may camera ba kayo diyan?” tanong naman nung isang may nerdy glasses at naka-twin tail ang buhok.
“Oo, ako, meron, sandali lang ha. Kukunin ko.” Sabi naman nung short hair na babae saka mabilis na dinukot ang bulsa niya para kunin yung cellphone niya. Aalma na sana ako nung may lumapit saming dalawang babae. Halatang taga St. Gremory sila, Yung laces kasi ng I.D. nila kaya nalaman ko, although naka-bikini sila.
Masyado namang exposing sa katawan ‘tong mga ‘to.
“Sino kayo? Bakit hinaharass niyo si Oppa Dylan namin?”
Mataray na tanong nung naka-pink na two piece. Cute siya, naka-pig tails siya na may brown na buhok tapos maputi.
“Eh sino ba kayo? Nag-pa-alam kami sa kapatid niya!” sabi naman nung may dalwang buns sa ulo.
“Kapatid? Nasan? Itong babaeng ‘to?” naka-kunotnoong tiningnan nila ako at dinuro-duro pa. “Hindi naman niya kapatid yan eh, malamang kung tama ang hinala namin, isa lang din yan sa may mga crush kay oppa Dylan!” sabi naman nung naka-yellow bikini.
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomantiekMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...