Chapter 38: Christmas
Luxielle’s POV
Nandito kami ni Carla at Lenxi sa tabing dagat. Yung mga lalaki kasi naghahanda na para sa Noche Buena. Mas gusto nilang i-celebrate sa may tabing dagat ang pasko kesa sa loob para daw maiba. Si Dylan at Christine naman nag-swi-swimming.
“Nakapagtataka naman…sa pagkakaalam ko Hydrophobic si Christine pero nagswi-swimmig siya?”
Napatingin ako kay Lenxi nung nagsalita siya.
“Hydrophobic? Yung may trauma sa paglangoy?” tanong ko.
“Oo, nalunod na kasi siya dati at sobrang laki ng naging impact sa kanya nun, ewan ko lang nagyon baka hindi na.”
Napatingin ulit ako sa kanilang dalawa. Ang sarap nilang tingnan. Para na talaga silang mag-asawa.
Eto ba yung sinasabi ni Kuya na kinaiinisan ni Lee? Mukha namang mabait yung tao. Ano naman kayang nagawa ni Dylan at galit na galit sa kanya si Lee?
“Mommy~! look what I’ve found!”
Tawag sakin ni Nathan kaya napalingon ako sa kanya. May dala siyang blue Starfish.
Wow! Ang ganda! Ngayon lang ako nakakita sa malapitan! To tell you the truth, this is my first time to go on a beach. gaya nga ng sabi ko noon, masyadong busy magpayaman ang mga magulang ko para mag-outing at ipasyal kami.
“Ang cute cute mo talaga Nathan!” Sigaw ni Carla.
“Cute ka rin naman eh.” Sabi ko. Lumingon siya sakin with a teary eye.
“Talaga?”
Tumango ako. Nagulat ako ng yakapin niya ako.
“Waaaaaah~ thank you Thank you~ sarili ko ngang pinsan hindi ako nasabihan niyan! HUHUHUHU!”
“Che, manahimik ka diyan ah.” Mataray namang tono ni Lenxi habang ngumunguya ng sandwich.
Nung makakalas siya sa pagkakayakap niya sakin, umupo siya sa tabi ni Nathan.
“Nathan, you want to sing?”
“Yes!!” sigaw naman ng kapatid ko.
“Do you know how to sing the alphabets?” tanong uli ni Carla. Umiling naman yung kapatid ko. 2 years old eh.
“Here let me start first then repeat after me.”
Nakinig naman kaming dalawa ni Lenxi sa kanya.
“A~B~C~D…” umpisa ni Carla. Ginaya naman siya ni Nathan.
“A~~~B~~~~C~~~D~~~”
“KFC~!”Ngiting ngiting kanta ni Carla. “Ninety nine pesos ONLY!”
*PAKK!*
Nagulat kami pareho ni Nathan nang batukan ni Lenxi si Carla.
“Ano nanamang kalokohan yang tinuturo mo sa bata ha?!”
“Sorry! Nagbibiro lang naman ako eh~!!”
Hindi ko napigilan ang sarili ko at natawa.
“Pffft-----ahahahahahaha!”
Tawa ako ng tawa kaya napatingin sila sakin. Nahiya tuloy ako kaya huminto ako sa pagtawa.
“Bakit ka tumigil?” tanong naman ni Lenxi.
“Ahh…eh.. nakakahiya eh.”
“HINDI NAMAN EH~! Ang ganda mo kaya kapag nakatawa-I mean mas lalo kang gumanda!!~ smile ka kaya palagi?”
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...