Chapter 30: ChrisLan (2)
Christine’s POV
Tahimik lang akong naka-sunod sa kanya. I mean, How dare me na lumapit sa kanya tapos ganito siya kaahimik at magka-salubong ang kilay. Galit siya panigurado. Akala ko nagbibiro lang siya kanina.
“Are you hungry?” biglang tanong niya sakin. dahil nagulat ako napa-oo naman ako pero sa totoo lang busog ako. “Come on.”
Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad sa kung saang restaurant. Hindi parin nagbabago ang facial expression niya. Galit pa rin.
Nung maka-pasok kami sa isang resto, inasikaso agad kami ng waiter saka binigyan ng menu. Kinuha ko yun at pakunwaring nag-basa, hinarang ko ang menu sa mukha ko at bumuntong hininga. Galit ba siya sakin dahil sa nangyari? Ho no! why?!
Sinilip ko siya para tingnan kung anong ginagawa niya. nagbabasa parin siya ng menu. Bigla siyang napalingon sakin.
“What?”
Umiling naman ako. Peste, menopause na ata siya eh, ngayon ko lang siya nakitang naging seryoso at masungit, simula nung…nung nag-ring ang cellphone niya?
Umorder na lang ako ng rice at beef steak saka pineapple juice. Busog na kasi talaga ako.
Nung makuha nung waiter yung order namin binigyan niya kami ng juice habang ang-hihintay.
Gosh, ang tahimik niya! nakakapanibago, si Dylan ba talaga ‘to? Para kasing ang weird niya. kanina nakikipag-biruan pa siya sakin tapos ngayon nag-iba ng atmosphere.
Hindi ko namalayan na nakatitig pala ako sa kanya ng matagal.
“Why are you staring at me?”
“Huh, nakatitig ba ako? H-Hindi ah. Sungit mo.” Inirapan ko siya.
Ewan ko, biglang nag-flash sa utak ko yung unang pag-kikita namin na sinampal ko siya for kissing other girl in front of me.
“You are staring at me.”
“Ah…may naalala lang kasi ako bigla.”
Hindi na siya ulit nag-salita tapos uminom ng juice.
Maya-maya dumating na yung order namin. Nag-simula na siyang kumain ako naman nakatingin lang sa kanya. Ang tipid niyang sumagot! Bakit hindi siya sweet?
“Hoy Dylan.” Seryosong tawag ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pagkain ng pasta na in-order niya.
“What?”
“Galit ka ba sakin?”
“Nope.” Tapos sumubo ulit siya ng pasta.
“Utot mo bilog! Bakit ang tipid mong sumagot ngayon ha?! Saka ang sungit sungit mo! Sabihin mo lang kung galit ka sakin!”
“Eat your food.” Sabi niya saka uminom ng juice.
“Galit ka nga, bakit ba?”
Sa pangungulit ko napabuntong hininga siya.
“I’m not angry.”
“Eh bakit ang sungit mo?”
“I’m worried.” Natahimik ako sa sinabi niya. “Bigla ka nalang nawala sa tabi ko tapos makikita ko na ASDFGHJKL”
Hindi ko na narinig pa yung mga sumunod niyang sinabi dahil uminom siya ng juice.
“Ano yun? Paki-ulit! Hindi ko naintindihan.”
“Let’s go.”
“Saan tayo pupunta?”
“Uuwi na.”
BINABASA MO ANG
Marrying that Casanova (MTC)
RomanceMarrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her boyfriend naging bitter na siya towards the word love. papaano kung ipagkatiwala at ipagkasundo siya...