Chapter 31: That Wedding Dream.

22.4K 360 21
                                    

Chapter 31: That wedding dream

Christine’s POV

Ang daming sumali sa game  na’to! Akala ko iilan lang! siguro nasa 23 couples ang nandito kasama na kami.

Lahat sila naka-upo na at parang may hinihintay sa stage. Naupo narin kami ni Dylan sa gilid. Tahimik lang kaming dalawa habang nag-hihintay. Ano bang meron sa game na’to? Ang daming couples na sumali, parang bigla akong kinabahan.

Maya-maya biglang nag-salita ang host at lumabas mula sa gilid ng stage.

“Good morning to all of the couples here, salamat sa pag-sali sa aming game, entitled, that  wedding dream.”

Pinalakpakan namin siya nung sabihin niya iyon. Ano daw? Wedding dream? Para saan yun?

“As you can see, ang laro na ito ay itinaon sa buwan ng disyembre dahil sa malamig ang klima, maraming couples ang magkasamang nagpapainit. Ahaha.”

Tumawa naman ang iba pero ako namula. Taeng yan, kelangan talagang banggitin yun?

“This game is composed of 5 rounds. Bawat round may inilaang challenges para sa inyo, bawat couples gagawin ang challenge, kung papalarin kayo at makakaligtas sa limang pagsubok, mananalo kayo ng 6 tickets ng trip to Palawan, 2 nights and three days. Sagot na ng mall ang gagastusin ng mga sasama rito. Ito ang magiging gift ng mall sa inyo ngayong pasko.”

6 tickets?! Aish! Parang gusto ko tuloy makuha yung premyong yun!

“May additional prizes pa maliban sa 6 tickets na ibibigay sa inyo. Malalaman niyo ito once na manalo kayo. Paki-sunod nalang ang mga instructions na ibibigay ko sa round 1. So couples, good luck at sana makapag-bonding kayo with your love ones.”

Pumalakpak ulit kami. Namatay ang mga ilaw kaya bigla akong kinabahan. Nung bumukas ang ilaw nagulat akong wala na sa tabi ko si Dylan, ganun din ang iba pang mga lalaki sa loob ng lugar na’to.

Maga babae lang ang natira rito. Hono! Nasaan sila?

Pati yung ibang babae nagtataka rin.

Biglang may nag-salita.

“Ladies, please don’t be afraid. Kasama namin ang mga boyfriend ninyo,kasalukuyan silang inihahanda sa round 1 ng laro. Now, here are the instructions and rules that should be followed when the game starts.”

Tumingin ako sa stage kung nasaan ang nagsasalita yung host ng laro.

“Behind you guys are doors.” Napatingin lang ako sa likuran ko. Oo nga puro pintuan. Kulay pink ang pinto at nasa 23 pieces siya.

“Nasa loob ng mga pintong yan ang inyong mga boyfriend, now the challenge is, find your boyfriend inside those doors but take note, you only have one chance to choose, if you failed to choose the correct door, you’re out.”

ANO?! Seryoso ba siya? Sa dami ng pintuang ‘to saan ko naman hahanapin si Dylan? Hunonono. Matatalo na yata kami round 1 palang.

Nag-ring na ang bell signal na simula na ng laro. Nag-takbuhan naman ang ibang mga babae sa gusto nilang pinto. Ako nanatili lang na nakatayo. Pano ‘to? Hindi ko alam kung nasaan si Dylan sa mga pintong ‘to, paano kapag mali ang hula ko?

Saka ko lang napansin na ako nalang pala ang walang pinipiling pintuan, sobrang kakaisip kaya wala akong ibang nagawa kundi ang pumunta sa huling pintuan na natira.

Okay, bah-bye trip to Palawan! Bah-bye!

“Ladies, on a count of three you’ll open the door.”

Biglang nag-bilang yung host kaya mas kinabahan na ako.

Nung binuksan ko yung pinto  hindi muna ako tumingin. Ohemgheee. Talo na kami!

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon