Chapter 52: Decision

13.6K 263 18
                                    

Chapter 52: Decision

Christine’s POV

Today is my birthday. Ang araw na dapat ikakasal kami ni Dylan. Ang araw na dapat masaya ako pero hindi . Kinuha ni Lola lahat ng gadgets ko, even my laptop. Nag-hire din siya ng bodyguards na siyang susubaybay sakin para lang masigurong hindi makakalapit sakin si Dylan. Sa tuwing magkikita kami sa school, alam kong sinusundan niya ako ng tingin. Kahit gustong gusto ko siyang lapitan, hawakan at yakapin, Hindi ko magawa dahil may mga nakabuntot sakin.

Sila Lenxi at Carla, less talk na rin kami ngayon. Sa classroom na lang kami nakakapag-usap ng maayos dahil hindi naman nakakapasok sa loob ng room ang mga bantay ko. Doon lang ako nakapaglalabas ng hinanakit.

Nilapitan ako ni Lenxi at tinapik tapik sa balikat.

“You really missed him do you?” Tanong niya.

“Yes.” sabi ko naman.

“Ang sabi sakin ni Baek, wala siyang ibang bukambibig kundi ang pangalan mo. Lagi rin siyang umiinom dahil sa frustration. Ang hirap ng pinagdadaaanan niyong dalawa pero…” Huminto siya saka nginitian ako. “We will help you Christine! Don’t worry,”

Malungkot akong ngumiti.  I really missed him. Kapag nagkakatingin kami,  parang ang daming gustong sabihin ng mga mata niya. Naiinis ako dahil wala akong magawa. Hinahayaan kong kontrolin ni Lola ang buhay ko.

“Hindi ka rin pinalalabas ng Lola mo unless kasama mo ang mga bodyguards mo hindi ba?” Tanong ulit ni Lenxi.

Tumango na lang ako. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko.

“How about ngayon na namin gawin ang plano namin?” nakangiti niyang sabi.

“A-Anong plano?” Tanong ko.

Nginitian lang nila ako.

***
Nasa loob ako ng comfort room ng mga babae. Ang sabi ni Carla, maghintay lang daw muna ako rito at sila na ang bahala sa lahat.

Gaya nga ng sabi nila, naghintay ako at sumandal na lang sa lababo ng C.R. Nakatitig lang ako sa mga cubicle sa loob ng biglang may pumasok.

Nagulat ako ng makita ko siya na hinihingal. Ginulo niya ng kaunti ang buhok niya saka mabilis akong niyakap.

“I really missed you,” sabi ni Dylan sakin.

“I missed you too,” sabi ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at na-iyak. Tatlong linggo kaming walang communication sa isa’t isa. Ang tagal ko ring hindi narinig ang boses niya. na-miss ko lahat ng tungkol sa kanya. Buti nalang at kami lang ang tao rito sa loob.

“How did you manage to get here?” Tanong ko.

“Your friends got us covered. Inilayo nila ang mga lalaking buntot ng buntot sayo kaya nagkaroon ako ng chance na maka-pasok rito,” Sabi niya.

He was brushing my hair. Hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Sandali lang ito pero gusto kong sulitin. Ayoko muna siyang bitawan.

“Let’s go out,” sabi niya.

“P-Pero-“

“I’ll handle this. Gusto kitang masolo, Christine. It’s been f*cking three weeks since the last time I touched you. I really missed you.”

“Saan tayo pupunta? Sa condo niyo?” Tanong ko.

Tumango naman siya. Hindi na ako nag-dalawang isip at sumama na rin sa kanya. Maingat kaming lumabas. Nang masiguro naming hindi pa nakakabalik ang mga bantay ko, tinakbo namin ang pasilyo para maka-labas ng building pati sa buong campus.

Marrying that Casanova (MTC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon