Chapter 6

647 24 2
                                    


" Hoy Jillian Nicole Rodriguez!" Hinampas ko nang malakas yung desk niya at nag-cross arms pag tingin niya. Langya talaga 'tong babaeng' to, andaming arte sa buhay. Talagang slow-mo pa yung pag angat ng ulo at pagtingin sakin!

She smiled widly. " Sorry na Andie." Nag-peace sign pa talaga. Kaltukan kita diyan eh!

I rolled my eyes on her when someone came and open the door. A girl with a brownish long straight hair. She look stressed. Omy gee! Ang aga-aga pa. hingal na hingal na agad.

" Oh Anya, what happened?" Puna ni Jill sa babae. Classmate pala namin siya, ngayon ko lang naalala. Allyson Villaluna, TOP 3. Like I've said before, hindi ako matandain sa mga names at faces ng mga tao lalo na kung hindi ko naman kilala.

" Sssshh!" Nag-quiet sign siya samin habang nakasandal pa rin siya sa door, while giggling.

She's so pretty. Her wide round eyes fits her long and thick eye lashes. She has this thin nose that compliments her thin pinkish lips. She looks so pretty, and innocent. Such a baby girl!

Nawala naman sa isip ko, kung bakit hingal na hingal siyang pumasok ng room. Maaga pa kasi, tuwing umaga, nagkalat yung mga Star Students sa labas, lalo na ngayon 8:30 pa start ng klase sa Star Building kase Monday. MWF actually. 7:30 naman kapag TTh. Yung mga Regs naman laging 7:10 yung start ng klase, kaya hayahay yung mga Star sa labas kapag sumapit na ang 7:10. So ayun, since nagkalat yung mga classmates namin ni Jill sa labas, kami lang yung naiwan dito sa room. Ganun naman lagi, kaya nagulat kami nung pumasok si Anya. Aw, nakiki- Anya narin ako. Malay ko ba kung bakit 'Anya' yung tawag nila.

Lumapit naman si Anya samin ni Jill at biglang tumawa ng malakas. Nanlaki naman yung mga mata ko nung marinig ko kung pano tumawa si Allyson. Yung first impression ko kase sa kanya, mahinhin na mahiyain. Yung ganun ba.

" Si... Si Tristan kase, " hindi pa siya makapag-narrate nang maayos dahil sa paghahabol niya ng hininga sa kakatawa. "... Inutusan ako... i.. ilagay ko daw yung photo sa Bulletin Board para makapasok ako sa room ng hindi napapansin ng mga regs.." Huh? Ano naman kaya yung photo.

" What's the photo?" tanung ni Jill.

" Vince's baby picture. It works! Hindi ako napansin ng mga regs na pumasok sa main gate dahil ngayon, pinagkakaguluhan nila yung baby picture ni Vince." Tawa pa rin siya ng tawa. Parang naiimagine ko ngayon yung mukha nong peste pag nalaman niya kung anong nagyare.

Bumukas ulit yung pinto ng room..

" Hi El!" Bati ni Allyson.

" Goodmorning Jez!" Jez kasi Jezreel. Alam ko, kaya 'El' yung screen name niya.

Napansin ko naman bigla si Jill na binuksan agad yung book, actually, book ko yung kinuha niya.

"Too obvious," I whispered.

" Hello Girls! Hm. Andrea, tawag ka pala sa SC room. Pinapatawag ka daw ni Pres."

Nagtinginan kaming tatlong babae sa loob kase, ano namang masamang bulate ang pumasok sa utak nung lalaking yun para ipatawag ako ng ganito kaaga?

" Ah.. what?" Napataas tuloy yung kilay ko nang hindi sinasadya.

" About his photos." Matawa-tawa pang sabi ni El.

" Ang cute niya nga kanina eh, nainingkit nanaman yung mga mata. Hahah!"

" Ah, ganun ba? Osige, Tara Ally." Hindi ko alam ha. Bigla kong tinawag na 'Ally' si Allyson at hinatak siya palabas. Tinapik ko naman si El sa balikat, siguro naman gets niya na yun. Kaya ang result, naiwan sina El at Jill sa loob. Habang ako, nag-feeling close kay Ally---Allyson!

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon