Untitled Part 55

231 7 0
                                    

ALLYSON'S POV

" Mom, I'll go to Ray's na ha?"

" Kala ko ba 5 pm pa kayo? Alas tres palang ah." Mom said.

" I just... wanna go ther. Hatid nya nalang ako mommy ha? Di ko alam kung uuwi kami e o over night po." 

" Ikaw na babae ka talaga lagot ka kay daddy mo unang araw ng taon layas ka nang layas!" Bulyaw ni mommy. 

" I'll be fine mom."

" Okay, basta mag-iingat kayo don ha. Remind Vj to text me."

" Yah..yah, I will."



May year end slash Christmas  party kasi kaming tropang TOPs. Si Amber ang nag-organize kaya for sure andun sina Vince at Vj. Kung ako siguro or si Jill o kahit sino e, isa lang makakapunta sa kanila. Pero they're both baited. 

Actually, pati ako, baited. Ayoko talagang magpakita sa kanila totoo lang.

Ayokong magpakita sa kanya.

Nakabihis ako ngayon ng white knitted blouse at high waist pants. Kumuha na din ako ng eco bag para don ilagay lahat ng gifts ko sa kanila. Iniisip ko nga kung magpapahatid nalang ba ako sa driver namin, pero mas gusto kong kasama si Vj para mas madali akong payagan. And yes, medyo strict parents ko. Sa totoo lang, kaya lang ako nakakagala o nakakaalis ng bahay e dahil palagi silang wala o di naman kaya pinag-gagatong ko si VJ.

" Tita Maddieee!! Happy New Year po!" Bumeso ako kay Tita Maddie, kasalukuyan syang nagkakape habang nakaharap sa laptop nya. Di ko sure kung nagtatrabaho ba sya o nanonood lang  sa Netflix.

" Anyaa, you're here! Happy New Year..." Tumayo si Tita Maddie para sensyasan yung yaya nila na dalhan ako ng food, kahit hindi naman kailangan, hehe. "...Tulog yata si Vj sa kwarto nya, di pa lumalabas e. Kala ko ba mamaya pa kayo?"

" E Tita I need to talk to Vj." Pabebeng sabi ko. Pero ayos lang yon, kasi bunso ang turing sakin dito sa pamamahay na to! MWAHAHA!

Lately kasi talaga, pagkauwi namin galing Bataan, I'm not feeling okay na.

To my surprise, tumayo si Tita Maddie para gisingin si Vj. Pigil pigil ko na ang tawa ko kasi for sure, mayayamot yon.

Ilang days nalang at debut na ni Amber pero nakuha nya pang mag-oraganize ng party para saming lahat. Napakagaling talaga ng utak non. Yun nga lang, matalino lang, manhid pa din. Hanggang ngayon parang naguguluhan pa sya sa nararamdaman nya. Hindi nya naman kailangang magdecide agad, pero para kasing hindi nya pa din gets na may gusto talaga sa kanya si Vince. Hello?! Lahat kami alam na, halatang halata kaya kahit hindi pa umaamin si Vince. Pero etong si Vj--

" What's the problem?" Sabi ni Vj habang umupo sa harap ko. Nagkukusot-kusot pa sya ng mata, pagkatapos ay isinuot ang salamin nya. 

Kinunutan ko lang sya ng noo. Dahil duh, I'm not yet saying anything. Ano sya, mind reader?

" Just tell me, o sasapakin ko yung Joshua na yon!" 

!!!

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Biglang kumalabog ang puso ko dahil, naalala ko na naman yung pakiramdam, ilang araw ko na din tong kinikimkim, pero wala naman akong karapatang malungkot e.

Hindi ko pa din sya kinibo at nilipat ko nalang ang tingin ko sa cookies.

" I saw your tweets." Plain nyang sabi, at napalunok nalang ako.

"I-It's that...we're not talking anymore." Mahina ang boses ko habang sinasabi iyon. Hindi ko alam kung dahil ba nahihiya ako odahil ayoko talagang pag-usapan.

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon