Untitled Part 61

218 6 2
                                    

AMBER's POV

Isang linggo ang nakalipas mula nong muntik nang sumabog si Vince dahil kay Sophie. Yes, muntik. Mabuti nalang ay agad napigilan nila Kyle. Paminsan-minsan nalang in pumasok si Sophie at hindi niya pa tinatry na guluhin uli si Vince. Aaminin ko, naaawa ako sa kanya whenever I saw her walking or eating alone. Wala pala syang kaibigan noh, bukod kay Vince. Kaya din siguro na obsessed siya dito.

Agad nag-sorry sakin si Vince after school and nong medjo kumalma na ako, pinatawad ko naman na agad. I understand the situation why he distorted with rage like that. Ayoko nang makitang ganun siya uli, hindi ko kakayanin. Sana makahanap ako ng tiyempo ngayong linggo lalo na't yung mga babae, lapit pa nang lapit kay Vj ko!

Nitong weekend ay pinuntahan ako ni Vj sa bahay. Ganito pala yung feeling na kailangan niyong maging extra-careful kasi kahit naman hindi secret na kayo e while you're still hiding it to someone, you can never be free. Sinigurado ko munang hindi pupunta si Vince sa bahay that day, and no matter how much we want to go out, we can't. Nag Netflix nalang kami at buti nalang pwedeng magpadeliver ng pagkain. Kahit ganun yung first date together namin ni Vj, it's still unforgettable.

It's morning at maaga akong nagising dahil 'tong cute na si Moby, sumampa na naman sa kama ko upang dilaan ang pisngi ko. It tickles.

"Good morning Moby!" bati ko sa tutang golden retriever na nagpapagulong-gulong sa puting comforter sa kama ko.

Lagot ka na naman kay Manang, Moby.

"I'm sorry baby, we can not play today. Mommy's gonna go to school." Childish kong sabi habang sinapo ang ulo niya. And yes, I just claimed this dog as my child.

Nagmadali akong magprepare for school kasi medyo humaba ang time ko for Moby. Pinakain ko kasi sya at inayos ko yung place nya sa kwarto ko. Habang nasa school ako, mag-stay muna sya sa crib niya at sina Manang muna ang bahala sa kanya. Wala namang reklamo si Manang maliban kung nadudumihan ni Moby ang bedsheet o comforter ko.

"Miss Amber wag mong kalimutan yung dog food ni Moby ha." Bilin ni Manang bago ako tuluyang pumasok sa kotse ni Vince.

---

" Vince can I ask you something?" I ask Vince habang malapit na kami sa parking, yes, sya pa din yung naghahatid-sundo sakin dahil apparently, hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang tungkol samin ni Vj.

" What is it??" Medyo napakunot ang noo niya dahil may biglang umagaw sa parking space, buti nalang ay may parking space pa sa katapat non.

Kumunot lang ang kilay Amber, magtatanong ka lang, magtatanong ka lang...

" Uhm, ano kasi.. What if mag boyfriend na ko?" Bumubwelo pa ako ng hininga, pinipilit ko pang iunat ang mga labi ko para hindi niya mahalatang kabado ako.

Inangat niya ang hanbreak at saka tumingin saakin, matawa-tawa pa siya. " Bakit, may boyfriend ka na ba?" I gulped.

Tumawa-tawa pa siya, akala niya siguro what if lang talaga. " 'Toh naman e, what if ngaaa anong gagawin mo?" Pangungulit ko sa kanya.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya, he sigh and look at me again. " I'll kill him."

Umakyat ang lamig mula sa paa hanggang sa ulo ko. Kung ganito na yung reaction niya, pano pa 'pag nalaman niyang si Vj ang--

" Kidding!" Saka sya humagalpak sa tawa.

---

Narito kami sa room, wala pang teacher kaya nagkukulitan na naman sila. Pero bakit ako na naman ang nagpagti-tripan?Tino-topic ni Vince yung tanong ko sa kanya sa kotse kanina. Nakakaasar.

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon