Chapter 8

536 23 0
                                    



"Miss Amber, 'yong package nyo po, dumating na!"

I immediately ran to open the door, bag ko 'yon, Herschel na backpack, kulay pink. Binili ko online, since ayoko namang panay designer bag ang ginagamit ko for school.

Medyo masakit ang ulo ko nong gumising dahil kulang na naman ako sa tulog. Ang daming nangyari kagabi, tas kailangan pang pumasok nang maaga ngayon. Maaga nalang din ako nagprepare para maaga paring pumasok. Naglagay ako ng light make-up dahil super halatang kulang ako sa tulog lately.

" How's your medication, apo?" Grannie asked while having breakfast.

"I'm fine, don't worry."

" Bumili ka na naman ng bag, andami-dami mong bags dyan."

"Come on Grannie, kelan pa ba naging issue ang pagbili ko?"

Umiling-iling si Grannie bago uminom ng kape.

Nilipat ko na ang school stuffs ko sa bago kong bag. Monday na naman, meaning may check point na naman ang student council sa may gate, speaking of the student council.

" Shet," Napahinto ako sa may malapit sa gate, at napahawak sa noo. Nalimutan ko 'yong jacket ni Vince. Liningon ko si Manong Jonas pero nakaalis na siya.

Anyways, okay lang naman siguro 'yon. Besides, hindi ko naman hiniram. Napahinto ako at luminga-linga habang nagpapacheck kay Jill. Bakit wala sya rito? Ang weird.

" May hinahanap ka?"

Jill pursed her lips to stifle her smile. I rolled my eyes on her and continued to walk.

Lunes na Lunes, gosh!

" Wait Andie, tapos na rin duty ko!" Jill shouted. I just look down habang nakaupo sa bench. I'm seeing regs secretly taking pictures of me, secretly pero kita ko. Nakakairita, ang tagal ni Jill!

eljnivera: andrea pls look after jill, hindi nag-breakfast 'yan.

Wao, sweet.

Pumunta kami ni Jillian sa canteen. Kasi naman eh, pinababantayan sakin ni Jez, di daw siya lagi nag bebreakfast. Kaya kakain muna kami.

" What do you want Jill?" Para kasing wala siya sa mood eh. Problema nito?

Naninibago ako, antahimik ni Jill, parang bad mood? Baka may mens lang. Bumili nalang tuloy ako ng cup noodles para samin, oo nagbreakfast na ko sa bahay, para lang may kasabay sya. Hindi pa rin sya nagsasalita at nakatulala lang habang ngumunguya.

" Jill, Drinks?" Tinanong ko siya at hinawakan ko ang kamay niya.

She nodded tapos tinignan niya ko. "Tea nalang."

Ok, as she said, bumili ako ng Green Tea at Milk Tea. Kabisado na naming dalawa ang isa't isa kaya alam naming pareho na tea ang pangpakalma ng isa't isa. So may problema nga siya? Ano kaya yun? Eh kasi naman eh, hindi ako sanay na ganito siya.

" What's your problem Jill?" Binigay ko sa kanya yung milk tea

Napahinga siya nang malalim at tumingin sa malayo. Sa malayong malayo. Hindi ako sanay na mabingi sa katahimikan nito ah, what's her problem kaya?

Nag-bell na rin sa star building, kaya pumasok na kami ni Jill sa room, pero tahimik pa rin siya. Matamlay syang umupo sa desk nya at dumukdok, wala pa naman kasi kaming teacher.

Napirmi ang tingin ko sa upuan ni Vince, wala sya at wala rin ang mga gamit nya. I checked time on my wrist watch, two minutes na lang bago mag-start ang klase.

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon