" I'll change my clothes.."
I don't know, para kasi akong kinabahan ng sinabi niya namagpapalit siya ng damit dito sa maliit na cart habang kasama ako.
Napalunok lang ako." O-Okay,"
Pagkasabi ko naman nun eh lumihis ako ng tingin at tumingin sa bintana.. kaya lang.. kasi...ano eh, ano...may reflection kaya nakita ko yung topless na katawan ni Ray kaya bigla akong namawis at pumikit nalang. Para akong ikinulong sa oven.. biglang uminit kasi tumatagaktak yung pawis ko sa buong katawan k—
" Amber!"
" Oh my gosh!" Nanlaki yung mga mata ko at napkagat sa lower lip ko. Kainis lang kase nagulat ako.. grabe.. yung puso ko parang gustong kumawala sa rib cage ko. Lechugas na lalaki toh talaga naman O!
" Oh? Gusto ko lang namang ipakita sayo yung baba oh.. ganda kasi eh."
Napangiti naman ako nung makita ko yung city lights from this high. Nakita ko yung ibang side ng syudad, although panget, marumi, polluted tong lugar na to eh ngayon parang gusto kong lumipad at magpalutang-lutang nalang dito forever. Yaaay! Relaxing.
" Ganda noh? Parang ikaw." Tapos nagulat ako sa tono niya, oo. Alam ko na nang-aasar lang tong nilalang na may magandang katawan na toh. Kaso, seryoso siyang nakangiti at nakatingin sakin. Tumabi siya sakin at iginitgit ako sa sulok at inakbayan ako... napatingin tuloy ako sa kanya. Kaso, ano kase.. nakatingin rin pala siya sakin.
Ang gwapo nya pala sa malapitan, kahit nakasalamin sya, sobrang ganda ng mga mata nya..
Konting maling galaw ko lang eh magdidikit na yung mga labi namin.
I was staring at his lips and I don't know why... ang nipis lang kasi na color pink na parang naglipstick lang na natural
Natigil ako sa pagtitig sa almost perfect nyang mukha nang may tunog na kumuha sa atensyon ko.
" WOAH! Fireworks! Galing!" Napatayo naman ako at saka ko narealize na nasa tuktok na kami. This is my first time to watch a fireworks display on this high.. parang abot kamay ko lang yung liwanag. Grabe, parang gusto kong lumipad at sabayang sumabog yung display. Ang saya ko lang kaya... nirecord ko yung display sa phone ko.
----
"Happy?" tanong niya sakin habang ianalalayan niya ko pababa ng cart.
" Yah.. thanks." Binigyan ko naman siya ng beautiful smile. Walang halong biro, ang saya ko talaga eh.. pasway-sway pa kong naglalakad parang tanga ba? Eh, Masaya ako eh.. sobra pa---
" Huy! Ano toh?" Tinakpan kasi ni Ray yung mga mata ko. Natatakot ako. Literal ha? Eh kasi naman gabi na, malay ko ba kung kidnapper, holdapper o rapist to. Kasi naman eh... kinakabahan ako.
" Don't worry.. hindi ako kidnapper, holdapper o rapist. Just calm down." Natawa naman ako kasi yung sinabi niya eksakto sa iniisip ko.
Pagkatanggal niya nung blindfold eh.. Napanganga nalang ako sa nakita ko, dancing light fountain. Super Duper saya ko na talaga. Hindi ko na alam kung pano ako mag rereact sa mga efforts na binigay niyaa..
" It's all for you, did you like it?" Nag-nod nalang ako ng paulit-ulit. Habang may namumuong malaking ngiti sa maganda kong mukha.
" SUPEER!" Hinug ko siya... hinug..hinug ko siya dahil sobrang saya ko na talaga. Sabi ko sainyo eh, madami akong nagagawang mga bagay na hindi ko pinag-isipan. Sudden moves kumbaga.
Siyempre nagulat naman si Vizhray sa biglaan kong pag-yakap sa kanya..ako din naman eh, nagulat sa ginawa ko at sa reaksyon niya..
" I LIKE YOU AMBEEER!" Bigla siyang sumigaw, kami nalang naman ang tao rito eh kaya ayos lang daw.
BINABASA MO ANG
Meeting Him Again (TOPS Series #1)
Teen FictionMeeting Him AGAIN Amber, an heiress, a not-so-typical teen girl experiencing deep depression from witnessing her parents' death. She has a tough heart and attitude. Can someone from her past make her see the world better? or someone in the present w...