One week after nung Inter-High, andami na ngang nangyare eh. Nakita ko ulit si Arki, nanalo ako sa Mr. & Ms. Ek-ek, nakapag-shoot ako ng mga magagandang shots sa swimming at basketball, nakulong kami ni Jillian sa classroom dahil sa katangahan, muntikan pa nga akong ma-default sa swimming nun eh pero buti nalang nakahabol ako at syempre, nanalo ako, bumisita din kami ni Jillian sa photoshoot ni El sa Batangas kasama si Kyle, wala kasi kaming masasakyan pagnagkataon , tsaka alam niyo ba? Sinama kami nung photographer sa photoshoot. Instant model naman kami nila Jill at Kyle nito.
Nandito kami ngayon ni Ally sa Park, simula kasi nung maging si Jill at El, nao-OP na ko sa kanila kaya kay Ally na ko sumasama. She's not an option ha. Close na kami simula nung ano.. basta. Enjoy naman siyang kasama, maaga nga pala kaming dinismiss ngayon, 1:32 pm palang eh.
" Sorry talaga Amber ah. Si Khristine kasi eh, laging nasa org, si Tricia at Kyla naman may inaasikaso pa sa States, family problem daw kaya wala akong makasama ngayon." She sighed so deep like a cutie.
" Hay nako, Ally naman eh! Friends na tayo diba? Wag mo ng isipin yun and besides...hindi ako napipilitang samahan ka."
Ang drama talaga nito. Kumpara kay Jill eh tahimik lang tong si Ally, tsaka 'pag puro kadramahan ko sa buhay, sa kanya ko sinasabi, kase baka tawanan lang ako ni Jill. Alam niyo naman yun, BALIW. Pero siya yung madrama na baliw, naalala niyo yung unang beses ko siyang nakita? Tumatawa ng malakas. Na ewan. WEIRD.
Kasalukuyang kumakain kami ng strawberries habang nag-aaral.
Oo, strawberries. Galing kasing Baguio sila Ally kahapon. Dami niya ng dala eh, isang balde yata ito. Takaw niya pagdating sa strawberries! Haha. Ang cute talaga ni Ally.
" Andie.."
" Yeah?"
"May gusto sayo si Vizhray right?"
I choked.
Hinampas hampas niya naman yung likod ko at pinainom ako ng tubig. What the hell?
" Ally naman eh! What are you talking about?!"
" Ahm, haha. Sorry. Nacurious lang ako, kasi lagi siyang nakatingin sayo, tsaka iba siya pagkasama ka niya. But... never mind!"
"Intregera ka rin pala. Si Vizhray? Huh? Pano mo naman naisip yun? Di ko na nga masyadong nakikita yun simula nung nag-pass ako ng photos sa kanya last week eh.." I defended.
" Ah is that s—"
Grannie Calling...
"Ah, excuse lang Ally ha.. si Grannie."
" Ok."
Grannie Calling.
" Hello Grannie?"
(Oh, Andie. I forgot to tell you something, maaga ka raw pumasok kanina eh. Can you go home early? I have a surprise for you.)
" Ah.. Grannie, diba po pupunta kami nila Anya at Jillian sa mall mamaya?"
"(Ahhm, is that so? Ok, pabili nalang ng cake. Di ka yata makakapagbake eh.. sige, be sure to go home before dinner okay?)
" yes po.. what's your surprise nga pala?"
(Surprise nga eh.. sige bye. Before dinner okay?)
------
" ANDIEEE! ANYAAA!" Ang Jillian walang kupas, hindi ba siya namamaos sa kakasigaw? Gosh!
" Yung totoo, nakalunok ka ng mic?" Pambungad ko sa kanya.
" Anong mic? Baka megaphone." Dagdag ni Anya, nag-apir kami habang tumatawa. Pero hinabol ni Jill si Ally para hampasin. Kaya naghabulan sila park, parang bata, gosh!
BINABASA MO ANG
Meeting Him Again (TOPS Series #1)
Teen FictionMeeting Him AGAIN Amber, an heiress, a not-so-typical teen girl experiencing deep depression from witnessing her parents' death. She has a tough heart and attitude. Can someone from her past make her see the world better? or someone in the present w...