Untitled Part 47

369 11 0
                                    

Amber's POV




"Bakit ba hindi mo nalang ako iuwi?" Pagmamasungit ko kay Vince. Nakaupo sya sa harapan ko, nadito kami ngayon sa Mcdonald's. 


Kitang kita kong ngumisi sya sabay kinurot ang pisngi ko. Nanatiling nakakunot ang no ko dahil sa ginagawa nya. Ginagawa nya kong bata! At saka, ano bang karapatan nyang dalhin ako dito? Bati na ba kami? Porke sinabayan nya kong maglunch kanina, porke kinalma nya ko nong nawalan ng kuryente, okay na? Yun na yun?


"Alam mo, ikaw na nga tong ililibre, ikaw pa tong masungit." Biro nya, ngunit hindi ako natatawa. Malapit na kayang mag alas-nuebe, sana inuwi nya nalang ako at doon nalang sa mansyon naghapunan kasama si Grannie. He's literally making each moment awkward for us.


"May pera ako, bilhin ko pa buong Mcdo e."


"Sssh, kalma, biro lang."


Padabog akong pumunta sa Kiosk. Ako nalang ang oorder kesa bwisitin nya ako maya't maya. At para makauwi na din kami kaagad.


Umorder ako ng apat na Chicken Mcdo meal, ang drinks ng dalawa ay monster float, ang drinks ko naman ay coffee float, sa kanya naman ay milktea at fries na may mayonnaise. Sinadya kong milktea ang iorder sa kanya kasi ayaw nya non. Humanda ka Vince.


"Why is it this many?" Pagrereklamo nya nang pinadala ko na ang order sa table namin, umakma syang abutin ang coffee float pero hinampas ko ang kamay nya.


" This is mine and this is for you." Binaba ko ang milktea sa harap nya, napaawang ang bibig nya sa ginawa ko, ngunit kinindatan ko lang sya. He wants war, I'll give him war.


"You're so annoying." Mahinang pagrereklamo nya. Ang arte arte na, bakit ba hindi nalang etong monster float na nakatake out ang inumin nya kung ayaw nya talaga.


Nag babrowse ako sa fb dahil ayokong makipag-usap sa kanya, and besides, wala naman kaming mapag-uusapan kasi lately, hindi na namin alam ang mga ganap ng isa't isa and we do not need to.


Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain, dahil nakita ko na naman ang trending sa SJA group, si Vj at Natalia na naman. Pic nila kanina, pinuntahan ni Natalia the freak, si VJ sa training nila ng basketball. Binaba ko ang aking phone at itinuon ang pansin sa pagkain. I've been eating fast as I can, at na-bother na pala si Vince.


"What's wrong?" Kyuryosong tanong ni Vince na nakatitig sakin habang kumakain. 


Hindi ko magawang titigan saya pabalik,  gawa nang panigurado ay mahuhuli nya na may bumabagabag nga saakin at ayoko nang iopen up pa ang topic na yun.


So, training ba talaga ang ipinunta ni Vj, o dahil may usapan sila ni Natalia? Mukhang ganun na nga, kasi diba, tinawagan nya pa si Natalia.


" Tris?" Pag kuha ni Vince sa atensyon ko.


Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon