AMBER'S POV
Gumising akong normal, Sabado nga pala. Pahinga mula sa nakakastress na school works. Hinawi ko ang aking comforter at isinuot ang aking mga tsinelas, bahagya ko pang ginusot akong aking mga mata at saka maluwag sa loob na tumingin saaking alarm clock na hindi tumunog ngayong umaga.
9:02 AM
Napangiwi ako sa kilig. I love Saturdays, indeed.
" Goodmorning apo!" Bati ni Grannie na kasulukuyang humihigop sa kanyang kapeng puro habang nagbabasa ng dyaryo. Hinatak ko naman ang upuan malapit sa kinauupuan nya at doon umupo. Napansin ko agad na balak akong ikuha ng pagkain ni Manang mula dito sa mga nakahain sa mesa pero sinensyasan ko sya na hindi na kailangan, hindi naman na ako ganon kaspoiled. Kumuha nalang ako ng fried rice at bacon.
"Sya nga pala apo, ano nang balak mo sa debut mo?" Halos mabuga ko ang kinakain ko sa tanong ni Grannie, nawala na rin kasi sa isip ko iyon. Masyado nang madaming nangyari sa buhay ko netong nakaraan, daming emosyon ang nasayang kaya naman hindi na nakakapagtakang nalimutan ko iyon.
" Honestly Grannie, I don't want it." Nakita kong sinamaan ako ng tingin ni Grannie, pero seryoso ako. Ala talaga akong balak. Hindi lang dahil sa mga nangyari netong nakaraan.
Pero kung iisipin, ano pang halaga ng pagcecelebrate ng aking debut kung wala naman sina mommy at daddy? Sinong magsasayaw sakin sa Father and Daughter dance? Para san pa ang mga bubuuuin kong ala-ala sa isang gabi na yun, kung wala naman ang mga magulang ko?
" Pero apo, I want to witness your legality, pagbigyan mo na ko." Hinawakan ni Grannie ang aking kamay at nginitian ako nang matamis. Ngiting wari bang alam lahat ng nasa isip kong nagugulumihanan. Ngiting magbibigay ilaw sa isip kong nasa kadiliman.
My parents died because of me. Do I deserve to celebrate?
"Andie!" Pagkuha ni Grandie sa atensyon ko, kanina pa pala ako wala sa sarili.
"P-po?" Sagot ko habang nag-akmang sumubo uli ng agahan.
" Andyan sina Jillian at Allyson." Turo ni Grannie sa dalawa papunta na dito sa dinning area.
Nag bless naman sila kay Grannie at bumeso sakin. Beso na animo'y may kasamng bulong. Beso palang, alam na alam ko na marami silang gustong ichika sakin, nakakaexcite.
"Girls, by the way. Pakipilit at pakitulungan naman itong si Amber para sa debut nya." Malambing na sabi ni Grannie habang pinupunasan ang bibig gamit ang paper towel.
Namilog naman ang mga mata nitong dalwang to, as expected, mas excited pa sila kesa sakin.
"So, who's going to be the first dance??" Tanong ni Ally habang nakadapa sa white fluppy carpet ko.
" HUH? Diba ang pinakaaabangan ee yung last dance, kasi diba, firstdance yung father?" Sambit ni Jill habang ngumunguya ng fries na natigilan, dahil napagtanto nya din ang sinabi nya.
"S-sorry."
"No, it's fine." I said awkwardly habang nagphophone.
"OMYGOSH WHO IS THIS?!" Nakakabinging sigaw ni Ally habang nagbabrowse sa fb nya, napaayos pa sya ng upo sa sobrang pagkagulat.
BINABASA MO ANG
Meeting Him Again (TOPS Series #1)
Teen FictionMeeting Him AGAIN Amber, an heiress, a not-so-typical teen girl experiencing deep depression from witnessing her parents' death. She has a tough heart and attitude. Can someone from her past make her see the world better? or someone in the present w...