Untitled Part 49

431 9 2
                                    




AMBER'S POV

"Tara na, dalian mo!"

Nagmamadaling aya ni Vince na kinuha ang maleta ko upang sya na ang magbitbit.

"Sinong may sabing kasama ka?" Tinaasan ko sya nang kilay dahil sa itsura nya, mas excited pa say kaysa sakin. Ikaw magpe-pre debut shoot boi?

"Ako." Dahan-dahang lumapit si Grannie patungo sa kinaroroonan namin, sabay nito ang paghulma nang malawak na ngisi sakin ni Vince, ngayon, sya naman ang nag-taas kilay.

"Vince, ikaw na ang bahala kay Amber ha. Si Manang, Inday at si Manong Jonas lang ang maipapadala ko para makasama nyo, kailangan parin kasi dito sa mansyon ng mga tauhan."

Bilin ni Grannie kay Vince. It's Saturday and actually, nag-start nadin ang Christmas vacation namin. Super magiging sulit tong pre-debut shoot ko, dahil sa instant trip to Bataan na din with tropa. Pero ang hindi ko inaasahan, I mean inaasahan ko naman na, pero hindi ko inexpect na mangyayari in reality is eto, Vince is actually going with us.

So, may Sophie kaya na bubuntot?

Alas-sais na ng umaga ngunit hindi parin kami nakakabyahe dahil wala pa sina Josh at Ray. Nandito na si Tristan, Kyle, El, Ally, Jill at syempre si Vince na mas excited pa sakin. Pansin ko na si Kyle ay parang aligaga na nakatingin sa kanyang phone kaya naman inusisa ko kung anong tinitingnan nya.

"She's pretty." Pambati ko sa babaeng kasalukuyang instalk ni Kyle.

"Is it her?" Segunda ko, kita naman ang magkahalong gulat at hiya sa mukha nya at saka tumango. So, Kyle's been secretly checking Pauline until now. Hindi mo rin talaga mahuhusgahan ang mga lalaki based on their personality no? Kyle is known as playboy, chic boy, pero he is certain na isa lang yung babaeng mahal nya, at si Pauline yon. Napakafaithful nya, kahit hindi pa sila, kahit di pa alam ni Pauline yung nararamdaman nya.

" So you're finally here!" Hinarang ni Ally yung kotse na sinasakyan nina Josh at Ray, nakapamewang pa sya na sinesermonan yung dalawa habang nagbababa ng gamit.

" I'll call my team na para bumyahe na rin sila." Mautal-utal na banggit ni El.

Maya-maya pa, huminto na ang Grandia na sasakyan namin, oo isang sasakyan lang kaming lahat. Para walang magsolo at tipid na din sa gas.

"Let's get in na guys" Yaya ni Tristan samin, medjo malalaki tong mga bag namin since overnight kami don, good thing na malaki tong van, may spaces pa for luggage.

Isa-isang inaakyat ni Tristan yung mga bag namin sa likod ng van, ilalapit ko na din sana tong sakin ngunit sabay na lumapit sina Vince at Vj saken.

"Ako na Amber." Sabi ni Vince na hinawakan ang bagahe ko.

" No, ako na." Pagkontra ni Vj na humawak din sa bagahe ko. Mapapaface-palm nalang talaga ako, so ano, dito pa sila sa harap ko mag-aaway?

" AKO NA! MAG-SI SAKAY NA KAYO!" Kinuha ni Kyle yung bagahe ko at inakyat sa van. Kita ko namang nagtitigan sina Vj at Vince, pagkatapos ay nag-irapan sila sa isa't isa.

MGA BADING.

Nakapwesto sa passenger's seat sina Yaya at Manang, dalawahan kasi iyon kaya komportable naman sila. Syempre, si Manong Jonas ang driver. Ang huling linya ng upuan sa likod ay inukupahan ng mga bagahe namin. Susunod doon nakaupo sina Jill, El at Kyle. Sa susunod naman sina Ally, Josh at Tristan.

So, iiwan nyo talaga ako with these freaks?

" Hoy bat kayo pumwesto agad?" Gigil na sabi ko kila Jill at Ally, sana kasi diba kami naang yung magkakatabi?! Ang kakati, maygad.

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon