Untitled Part 50

360 9 1
                                    


VINCE'S POV


"What did you say?" Hinawakan ko ang palapulsuhan nya para pigilan sya. Nagpapantig ang dalawang tenga ko sa salitang narinig ko, galing sa kanya.


" Why do you want me to repeat words when you just heard it right?" Pagmamaktol nya sakin.


Ang lakas ng ihip ng hangin dito sa dalampasigan, pero hindi iyon sapat para pakalmahin kaming dalawa. Nakakainis, parang kailan lang hirap na hirap sya magtagalog tapos ngayon ganyang mga salita na yong maririnig ko mula sa kanya?



" San mo na kuha yon?" Hindi ko na alam kung anong tono ko ngayon, pero napaangat sya ng tingin sakin.


"I just learned it." 


" From?"


"Wala ka na don!" 

Aba, ang maldita talaga! Bakit ba ganito tong babaeng to? Kundi lang talaga sya cute, ay naku! Nakurot ko na talaga to.


Maya-maya pa, dumating si Kyle habang naka-on ang flash light sa phone, hinahanap nya na pala kaming dalawa dahil may itatanong daw na clarifications sina Miss Lico at Sir Tumang para makapagprepare na para bukas bago matulog. Napakaprofessional talaga nila, deserve na deserve ni Amber itong ganitong service, panigurado magiging best debut ito.


Sa pag mamaldita netong babaeng to, padabog at nauna syang maglakad, nasa likuran nya kami ni Kyle, maigi narin iyon at natatanaw naman namin sya. 


"Ano na namang problema non?" Matawa-tawang tanong ni Kyle, habang nagsecellphone.

"Ts, pinagalitan ko lang. Aba naman, kung ano-anong sinasabi!"

"Ha?" Kyuryosong tanong ni Kyle, wala pala syang alam sa pinuputok ng butsi ko.

"Sinabi ba naman nakikipaglaplapan daw ako!"


Pagkasabing-pagkasabi ko ni yon ay humalpak ng tawa si gago. Halos maubusan na sya ng hininga sa kakatawa.


"P-pre! Taena ang lupet ni Amber!" Tawa parin sya nang tawa hanggang dito sa hotel, naka ekis na ang mga kamay ko habang pinapanood ko sya. Hindi nagtagal ay dumating si Joshua at siyempre, naikwento narin ni Kyle ang nangyari. Mabuti pang hindi nalang ako nagkwento kung tatawanan rin lang nila ako.


"Bakit ka kasi nakikipaglaplapan pre?" Nagtinginan samin ang ibang guests dito, pero itong dalawang ungas parang wala namang pakialam. 


"Kanino ba kasing tangang tao napulot ni Amber yon?" Galit parin ang tono ko. At huminto silang dalawa sa pag-tawa sabay nagturuan.


mga tanga talaga.


Naputol ang tawanan namin nang may tatlong pamilyar na babae ang pumunta sa front desk, may dalang mga maleta. Nagtatawanan at mukhang excited pa.


Sila Natalia, nakupo!


"Bakit sila nandito?" Si Josh, habang nakakunot ang noo.

Meeting Him Again (TOPS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon