" Amber Beatrice Garcia Flores!"
Oh, so, kailangan talagang full name Jillian? Ayaw ko ngang ilantad yung middle name ko eh. Tss. Talaga naman oh. Pero ayos narin, mukhang Ok na siya kaysa nung nakaraang tatlong araw.
" Bakit Jillian Nicole Rodriguez Nivera?"
Fire back ko, nilagay ko ang magkabilang kamay sa bewang at binelatan ko sya.
She was about to mock my gestures but suddenly stopped, and blushed?
I arched a brow on her.
"Hey, Girls!" Si El, kaya pala namula ang loka. Nandito pala si Lelouch Jezrzreel Nivera . O ayan, pati tuloy si 'El' nadamay sa fullname- thingy
" Hi El!" Tapos ngumiti akong nakakaloka, sabay tingin kay Jill. 'To namang si Juliet halatang kinikilig sa Romeo niya.
Naglakad pamunta samin si El. May dalang take-out sa Jollibee si El. Burger, Value meal at Coffee. Ang sweet nga eh, magbreakfast daw muna si Jillian.Tapos ang bruha naman nag pipigil ng kilig. Para tuloy akong ekstra sa romantic film nito.
Ehdi sila na, sila na may love life, sila na SWEET.
Para namang ang bitter ko nito.
Kaya bago pa ko langgamin ng tuluyan eh iniwan ko na yung dalawa. Wala tuloy akong kasabay pumasok. HMP! Nakakapagselos naman. Charoterang palaka. Pero siyempre, ok lang sakin yun noh. Sana nga tuluyan ng magbati yung dalawa. Kahit araw-araw akong pumasok mag-isa.
Naglalakad na ko sa hallway ng regular building nakayuko akong naglalakad kasi nga wala akong kasama, tsaka baka mapansin pa ko, mahirap na. Baka Makita pa ko ng mga feeler na gwapo. Kasi naman eh, nakakairita kaya yun. Kung anu-ano nalang tinatanong at binibigay sayo buti sana kung matitino, kakairita talaga tapos papansin talaga. Grrr—
Nahulog yung mga books ko. Hay nako, di kasi nakatingin sa dinadaanan, sino ba tong –
" Sorry Miss, nagmamadali kasi ako eh.... Amber?"
Wao! Para namang gulat na gulat siya na nakasalubong niya ko eh iisang school lang naman yung pinapasukan namin, porket dito ako sa ibang building dumaan gulat kaagad? minsan talaga di ko alam kung nasaan yung utak nitong Vizhray na toh eh.
" Bakit ka mag-isa?" Tanong niya habang binibigay yung books ko.
"Obvious ba? wala kasi akong kasama." Pasungit ko naming sagot. Haler! Buti sana kung matino yung tanong niya eh kaso hindi. Halatang nang-aasar lang. tsaka kung maka 'childish' siya nung Monday eh wagas! Hinding hindi ko malilimutan yun. Never Ever!
"Hatid na kita sa room mo." Nagulat naman ako sa alok niya.
" No need. I can do it by myself." Iniwan ko siya at naglakad na ko nang normal palayo, pero nakalimutan ko nga pala na ako si Amber Flores ng TOPS.
Yuyuko na sana ulit ako pero,
" Uy pare. Si Amber yun diba?"
"Bat walang kasama?"
"Lapitan mo dali!"
Shet! Eto na nga bang sinasabi ko eh. Can someone take me out of this? PLEASE.
" Amber!" Tinawag ako nung isang lalaking reg, matino naman yung itsura kaya lang mukhang manyak kaya di ko pinansin. Mukhang may gagawing di maganda eh.
Tuloy parin ako sa paglakad at tong lalaking di ko kakilala, tuloy pa rin sa pangungulit. Yuck! Kadiri inakbayan niya ko. I can't take this anymore!
" Hey! What are you doing?!" Sigaw ko, agad ko naming inais yung kamay niya sa balikat ko. Kahit mapansin na ko ng lahat! Wala na kong paki.
Can someone please save me from this mess? Kairita!
BINABASA MO ANG
Meeting Him Again (TOPS Series #1)
Teen FictionMeeting Him AGAIN Amber, an heiress, a not-so-typical teen girl experiencing deep depression from witnessing her parents' death. She has a tough heart and attitude. Can someone from her past make her see the world better? or someone in the present w...