" Ally! Sinong kasama ni Jill? Pinaiyak niyo yata eh,"
Bulong ko kay Ally habang nagbibihis dito sa bahay nila Jill.
" Si Tricia at Kyla yung maghahatid sa kanya dito. I don't know kung umiiyak na siya ngayon. Basta alam ko, nagdrama daw si Jill kahapon kila Tricia, hindi mo daw sinasagot yung mga texts at tawag niya, ako naman raw iniiwasan siya tapos si El palaging busy.. ayun lang alam ko.." Kwento ni Ally. Plano kasi namin toh. Birthday ni Jill ngayon, at the same time. Monthsary nila ni El. Oha! Dual-celebration.
" Tangek! Umiiyak na yun ngayon for sure.. yun pa! Siguro pagdating nun dito eh pagang-paga yung mga mata at namumula yung ilong niya,"
We both laughed.
" Girls dalian niyo, nagtext na si Kyla," Sigaw ni El. Halatang kabado ay.
------
" 3....2.....1!"
" HAPPY BIRTHDAY JILLIAN NICOLE!"
At sabay-sabay kaming kumanta ng Happy Birthday song. Nandito ang buong klase, pati si Miss Cuevas kaya gulat- na gulat si Jill. Natawa naman kami ni Ally nung makita namin si Jill na paga yung mga mata at pula yung ilong. Eksakto sa pagkakasabi ko.
" Lian... Happy First monthsary!" Lumapit naman si El na may hawak na bouquet ng red and white roses. Kami nina El at Ally yung nag-arrange nun eh para daw effort. Pagka-abot na pagka-abot naman ni El nung roses kay Jill eh isang malakas na " AYIIIIE!" ang sinabi naming magka-kakaklase.
" HAPPY BIRTHDAY MEGAAA!" Sabay naming sigaw ni Ally at sabay naming niyakap si Jill. Inabot naming yung gifts naming sa kanya. Lalo tuloy siyang umiyak..
" Mga walang hiya kayo! Mga taksil! Pinaiyak niyo ko!" Sabi niya habang nagpumiglas sa yakap namin.
" Sisihin mo si El!" Natatawa namang sabi ni Ally.
Nagkibit balikat naman si El nang tingnan sya ni Jill, at banayad na hinampas ni Jill yung boquet kay El habang pinupunasan ang luha gamit ang tissue.
Busy naman tong si birthday and monthsary celebrator na i-accompany yung classmates namin at si El. Sweet nga nila eh. Kami naman ni Ally, nandito sa Kitchen at busy sa kakakain ng chocolate. Wala talagang tatalo dito. The best lalo na kapag nag-kocompetition pa kami ni Ally sa paramihan ng balat ng chocolate na nakain.
Dito kami sa bahay nila Jill mag-celebrate, mamaya may pool party. Private party ang debut nya kasi car ang hiningi nyang gift mula sa parents nya at ayaw nya raw mag debut proper.
" Takaw mo, I surrender na!" Sabi ko habang sumimangot.
" Hahaha. Suko agad? Wag ganu—" Mang-aasar pa sana si Ally pero bigla namang syang bumitaw sa last chocolate na isusubo niya sana.
" Hey girls! Pwede bang maki-join? Gulo kasi sa labas eh" Bati samin ni Josh.
Si Josh, hahha. Bigla tuloy namula si Ally at isinama nung sakin yung mga balat ng chocolates niya. Kaya pala.
Hindi ko alam yung sasabihin ko kung oo o hindi.. sige na nga.
" Ok."
Matipid kong sagot. Nakakairita lang kausapin yun. Naku! Kung hindi lang talaga siya crush ni Ally eh hindi ako papayag.
" ANDAMI NAMAN NIYAN AMBER ANTAK---" Papansinin niya pa sana yung mga balat ng chocolates ko nang biglang dumating si Kyle.
" Hey guys picture tayo!" heto nanaman tong selfie-king na toh na wala ng dinala kundi yang monopod niya at wala ng ginawa kundi magpicture. Gosh napaka-ggss!
BINABASA MO ANG
Meeting Him Again (TOPS Series #1)
Teen FictionMeeting Him AGAIN Amber, an heiress, a not-so-typical teen girl experiencing deep depression from witnessing her parents' death. She has a tough heart and attitude. Can someone from her past make her see the world better? or someone in the present w...